“WHAT is this, Caspian?” Biglang nangunot ang noo ni Caspian nang marinig niya ang galit na boses ng kaniyang ina habang papasok ito sa sala. Nagtataka siya kung ano ang kaniyang nagawang mali para magalit agad ito sa kaniya! Well, ito ang unang beses na nagalit sa kaniya ang kaniyang ina. “What, mom?” Kunot pa rin ang noo at nagtatakang tanong niya nang makalapit sa kaniya ang ina. Kakababa lamang niya sa sala at papunta sana siya sa kusina para kumuha ng malamig na tubig. “What did you do to Sinag?” Nang marinig niya ang tanong nito, halos mag-isang linya na ang kaniyang mga kilay. Ano ang ginawa niya kay Sinag? Wala naman siyang natatandaan na ginawa niya sa babaeng iyon, ah! Basta ang naaalala niya lamang, pagkatapos ng session niya kanina sa ospital, kumain sila labas kasama ni

