“YOU OKAY?” Tanong sa akin ni Hermes nang makaupo ito sa tapat ko. Saglit ko itong tinitigan bago ako tumango kasabay ng pagsilay ng isang tipid na ngiti sa mga labi ko. Umismid naman ito sa akin. “I know it’s a fake smile, Sinag.” Ani nito at ngumoso. Biglang nawala ang fake smile sa mga labi ko kasabay niyon ang pagpapakawala ko nang malalim na buntong-hininga. Tama nga si Hermes. Isa ngang fake smile ang ibinigay ko rito ngayon. Lagi naman ’yon ang ginagawa ko e, mula nang maaksidente si Caspian at hanggang sa umuwi siya rito sa Pilipinas pero may kasama namang ibang babae. Hindi naman siguro nila ako masisisi ’di ba? Sobra lang akong nasaktan. Lalo pa no’ng mas piliin ni Caspian ang babaeng ’yon kaysa sa akin. “Dominique, Hermes, wala akong pakialam kung makaalala man ako o hindi.

