Cassandra POV
"MUKHANG desidido ka na talagang pumunta ng Manila para mag aral." Malungkot na sambit ni Lalay. Pinsan at kaibigan ko rin sya. Anak sya ni Tito Ferdie at kasamahan ko rin sa pabrika. Sya ang nagpasok sa akin doon.
"Oo Lalay, desidido talaga akong makapag aral at makapag tapos. Alam mo naman na yun ang pangarap ko di ba."
"Alam ko naman yun, at masaya ako para sayo kahit nakakalungkot dahil malalayo ka dito sa atin."
"Ano ka ba.. Maiksing panahon lang yun. Pagkagraduate ko uuwi agad ako. May social media naman anytime pwede tayong mag usap sa video call para di natin mamiss ang isa't isa."
Tumango tango sya at ngumiti na. "Pero mamimiss pa rin kita lalo na ang mga kagagahan mo."
Ngumisi ako. "Sa lahat ng pwede mong mamiss sa akin yun pa talaga."
"Oo naman. Reyna ka kasi ng kagagahan." Natatawang sabi nya.
Tumawa na rin ako. "Mamimiss din kita Lalay. Habang wala ako kayo muna ni tito ang titingin kay tatay ha."
"Syempre naman. Huwag kang mag alala kaming bahala ni tatay kay Tito Tinong. Basta mag aral ka ng mabuti para makapag tapos ka. Baka naman lumantod ka pa don." Tinaasan nya ako ng kilay.
Ngumisi ako. "Depende kung gwapo at mayaman ang lalaki."
Pabiro nya akong kinurot sa tagiliran na aking ikinaigtad. "Gaga ka talaga. Magpakatino ka dun dahil Manila yun."
"Matino naman ako no."
"Kapag tulog."
Sabay kaming tumawa ni Lalay sa kakulitan namin. Sayang nga at wala si Greta, ang isa pa naming kaibigan. Waitress ito sa isang resto bar at panggabi ang pasok nito kaya malamang ay tulog ito ngayon.
"Eh pano pala si Ted? Siguradong malulungkot yun at malamang pigilan ka pa sa pag alis."
Bumuntong hininga ako ng banggitin ng pinsan ang pangalan ng aking nobyo. Malulungkot din ako na maiiwan ko sya pero kailangan eh.
"Kakausapin ko sya. Siguro naman ay maiintindihan nya ako."
"Sana nga. Alam mo naman yung boyfriend mo na yun. Masyadong patay na patay sayo at praning din."
"Wala na syang magagawa kahit pigilan pa nya ako. Buo na ang desisyon ko at wala ng makakapigil sa akin."
Kinahapunan ay nagpunta ako sa bahay ni Ted para kausapin sya tungkol sa pagpunta ko sa Manila at hindi nga naging maganda ang reaksyon nya.
"Ano? Mag aaral ka lang bakit kailangan pa sa Manila. Ang layo layo nun! Babe naman!" Angal ni Ted na bakas ang inis sa mukha.
Kagagaling lang nya sa trabaho sa isang pabrika din bilang checker.
"Yun kasi ang gusto ng ninong ko, Ted. Sa Manila ako mag aral at sagot nya ang lahat ng expenses ko."
"Eh di tumanggi ka!" Galit nyang sabi.
"Ano? Ted naman, hindi pupwede. Naka-oo na ako kay ninong at isa pa gustong gusto kong mag aral. Heto na ang pagkakataon ko. May magpapaaral sa akin ng libre kaya iga-grab ko na to." Paliwanag ko.
Matalim syang tumingin sa akin. "At paano naman ako Cassandra? Iiwanan mo na lang ako? Akala ko ba mahal mo ko?" May hinanakit sa tono ng boses ni Ted. At sa hitsura nya ngayon ay parang gusto na nyang mag amok ng away.
"Mahal kita Ted, alam mo yan -- "
"Pero mas mahal mo ang pangarap mo. Nakapagdesisyon ka na nga eh di mo man lang ako inisip tsk!"
Umawang ang labi ko sa sinabi nya. Hindi ko akalaing ganito pala sya ka selfish. Isang taon na kaming magkarelasyon at lagi kaming away bati dahil seloso sya at praning. Lagi nyang iniisip na may aagaw sa akin sa kanya. Minsan naiinis na ako sa kanya at ilang beses ko na ring gustong makipaghiwalay sa kanya. Pero lagi syang nag mamakaawa at dahil mahal ko sya ay di ko sya tuluyang mahiwalayan. Mabait naman sya at sobrang sweet sa akin kapag walang topak.
Humugot ako ng malalim na hininga.
"Ako ba, mahal mo?" Tanong ko sa nobyo.
Kumunot ang kanyang noo. "Ano bang klaseng tanong yan? Syempre mahal kita. Kaya nga ayokong umalis ka eh."
"Kung mahal mo ko maiintindihan mo ko, Ted. Bata pa ako at may pangarap na gustong abutin."
"Pero paano nga ako Cassandra? Basta basta mo na lang akong iiwan ganun ba?"
Nagsisimula na ring mag init ang ulo ko. Mas matanda sya sa akin ng dalawang taon pero ang hirap nyang makaintindi. Ganito naman sya palagi eh. Pagdating sa akin ay hirap syang umintindi. Pero pagdating sa kanya ay gusto nya lagi syang iniintindi. Ito ang isa sa ugaling ayoko rin sa kanya. Parang gusto pa yata nyang papiliin ako ngayon. Mabibigo lang sya.
"Bata pa tayo Ted. Marami pang mangyayari sa buhay natin. Marami pa tayong mga taong makikilala. Kung totoong mahal mo ko handa kang magtiis na malayo ako at maghihintay ka. Ganun din ako sayo. Ang pagmamahal ay may kasamang sakripisyo. Pero kung hindi mo kakayanin mas mabuting ngayon pa lang tapusin na ang relasyon natin." Walang pasakalyeng sabi ko.
Umawang ang labi nya at gumuhit ang sakit sa kanyang mata. "So mas pinipili mo ang pag aaral mo sa Manila kesa sa akin, ganun ba?"
Lumunok ako at diretso syang tiningnan sa mga mata. "Parang ganun na nga. Importante ka sa akin Ted dahil mahal kita. Pero mas importante sa akin ngayon ang pangarap ko."
Masakit man na iwan sya pero kailangan kong magtiis at mamili. Para rin ito sa future naming dalawa kung kami talaga ang para sa isa't isa sa bandang huli.
Umiling iling sya at unti unti ng naging mahinahon ang kanyang hitsura. "Hindi.. Hindi ako makapapayag na makipag hiwalay ka sa akin Cassandra. Mahal na mahal kita alam mo yan. Ayokong malayo ka sa akin pero sige.. payag na akong mag aral ka sa Manila basta hindi lang tayo maghihiwalay."
Bumuntong hininga ako. Medyo lumuwag luwag ang pakiramdam ko dahil mukhang nakapag isip isip na sya.
"Sigurado ka? Ayos lang sayo na malayo ako ng ilang taon?"
"Syempre hindi ayos sa akin. Pero anong magagawa ko yun ang gusto mo at ayokong makipaghiwalay ka sa akin babe. Kaya payag na ako kahit mabigat sa dibdib." Malungkot na sabi nya na may tono pa ng sama ng loob sa boses.
Lumapit naman ako sa kanya at hinawakan ang kanyang kamay. Kinabig naman nya ako at mahigpit na niyakap. Yumakap na rin ako sa kanya. Mamimiss ko sya pero kailangan kong magtiis.
"Pangako, babalik din ako babe. Saka may social media naman. Pwedeng tayong magvideo call anytime." Sabi ko at kumalas na ng yakap sa kanya. Pero sya ay nakahawak pa rin sa bewang ko at parang ayaw na akong bitawan. Kalmado na sya ngayon bagama't may lungkot pa rin sa kanyang mga mata.
"Alam ko babe, pero syempre iba pa rin yung ganito. Nahahawakan kita at nayayakap. Saka paano kapag.. nalibugan ako eh wala ka.." Parang batang sabi nya.
"Eh di si mariang palad muna." Nakangising sabi ko.
Ngumuso sya. "Babe naman e.."
Hinawakan ko ang pisngi nya at pinisil pisil. "Tiis tiis muna babe. Saka paminsan minsan uuwi din naman ako lalo na kapag bakasyon. Magpapaalam lang ako sa ninong ko. Siguradong papayagan ako nun."
Bumuntong hininga sya. "Ano pa bang magagawa ko.."
Ngumiti ako at pinakatitigan ang gwapong mukha ni Ted. Pagsasawain ko na ang mata sa gwapo nyang mukha dahil kapag nasa Manila na ako ay sa video call ko na lang makikita ang kanyang mukha at sa mga pictures.
Pumungay ang mga mata ni Ted at unti unting bumaba ang mukha sa akin hanggang sa maglapat ang aming mga labi. Iniyakap ko ang mga braso sa kanyang batok at pinikit ang mata saka tinugon ang kanyang mainit na halik.
Naging mapusok ang halikan namin ni Ted gaya ng aking inaasahan. Naging malikot na rin ang kanyang kamay sa pagpisil sa aking puwitan. Kinakabig nya ang aking balakang padikit sa kanyang tumitigas na harapan. Para na rin akong sinisilihan sa init lalo na ng bumaba pa ang halik nya sa aking leeg at pumipisil naman ang kanyang kamay sa ibabaw ng aking s**o.
Kaming dalawa lang ang tao dito sa bahay nila dahil ang kanyang ina na syang tanging kasama na lang nya sa buhay ay nasa kabilang bayan at namamasukan. Lingguhan ang uwi nito. Kaya kahit dito sa sala nila ay pwede naming gawin ang gusto naming gawin.
"Ted -- ay sorry!"
Mabilis kong tinulak si Ted ng makarinig ng boses. Lumingon ako sa pintong nakabukas na at nakita doon si Greta na namimilog ang mata habang salitan ang tingin sa amin ni Ted. Tila naman ako binuhusan ng malamig na tubig sa hiya.
"I-Ikaw pala Greta. Anong ginagawa mo rito?" Tanong ko habang pasimpleng inaayos ang damit na bahagyang lumislis.
"Uh, ano.. kasi.." Tumingin si Greta kay Ted na nag iwas naman ng tingin siguro ay dahil sa hiya.
Nakakahiya naman kasi talaga na naabutan kami ni Greta na naglalampungan.
"K-Kukunin ko lang yung charger na hiniram kahapon ni Ted."
Kumunot ang noo ko at binalingan si Ted. "Bakit kay Greta ka pa nanghiram ng charger at di na lang sa akin. May spare naman ako sa bahay."
"M-Mas malapit kasi ang bahay ni Greta babe. Yung sa inyo sa kabilang kanto pa. Saka siguradong susungitan na naman ako ng tatay mo kapag nagpunta ako sa inyo." Katwiran ng nobya.
Bumuntong hininga ako at nakaramdam ng lungkot sa huling sinabi nya. Ayaw sa kanya ni tatay. Ang sabi naman ni tatay wala syang tiwala kay Ted.
"Pagpasensyahan mo na si tatay Ted. Magugustuhan ka rin nya balang araw."
"Sana nga babe."
Tumikhim si Greta. Bumaling ang tingin naman ni Ted sa kanya. Tuluyan na syang pumasok sa loob. Naka-spaghetti strap syang itim at cotton shorts na maiksi. Mukhang kagigising lang nya dahil medyo magulo ang buhok nyang may kulay.
"Totoo ba yung nabalitaan ko pupunta ka raw ng Manila at doon mag aaral?" Tanong ni Greta sa akin.
Ngumiti ako sa kaibigan. "Oo Greta, pag aaralin ako ng ninong ko doon."
Ngumuso sya. "Nakakatampo ka, di mo man lang sinabi sa akin."
Tumawa ako. "Ano ka ba? Balak ko rin namang sabihin sayo no, ikaw pa."
Kimi syang ngumiti. "Kelan naman ang alis mo?"
"Kapag naayos ko na ang lahat ng papers na kakailangan ko para sa school na papasukan ko sa Manila, tapos may maghahatid sa akin doon."
"Agad agad?" Namilog ang mata nya.
Tumango ako.
Lumungkot ang mukha ni Greta. "Mamimiss kita Cassey." Lumapit sya sa akin at niyakap ako.
Yumakap din ako sa kanya. Mamimiss ko rin sya, silang dalawa ni Lalay dahil para ko na silang kapatid. Kababata ko sila at sabay na kaming lumaki.
"Lagi kang magbi-video call kapag nandun ka na." Ani Greta na kumalas na ng yakap sa akin.
"Oo naman. Saka susubukan ko ding umuwi paminsan minsan."
"Ang da-drama nyong dalawa. Huwag nyo na ngang pagusapan ang tungkol dyan at nababadtrip lang ako." Nakasimangot na sabat ni Ted.
Nagtinginan naman kami ni Greta at sabay na tumawa na lalo lang ikinasimangot ni Ted. Kapag magkakasama kaming apat ay lagi naman syang pinagtitripang tatlo.
Hindi muna umuwi si Greta at nakipagkwentuhan sa akin tungkol sa pag aaral ko sa Manila. Tinawagan na rin namin si Lalay at pinapunta rito sa bahay ni Ted para bonding na rin namin. Baka huling bonding na namin ito.
*****