Chapter 3

1582 Words
Cassandra POV NG pumasok ang load kong 50 ay agad ko na itong niregister sa call and text para matawagan ko na si Ninong Mannox na nasa Manila. Hiningi ko kay Tito Ferdie ang number nya kanina. Dinial ko ang number ni Ninong Mannox at tinapat ko sa tenga ang cellphone. Lalo akong na-excite ng magring ito. Excited na akong makausap si Ninong Mannox para sabihin sa kanya na pumapayag na akong pag aralin nya sa Manila. "Ah hello po Ninong Mannox.." Bati ko sa kabilang linya ng huminto na ang pagring. "Who's this?" Umawang ang labi ko ng marinig ang malaki at magaspang na boses ng lalaki sa kabilang linya. Si Ninong Mannox ba to? "Hello? Who is this?" Pagalit na ang boses ng lalaki sa kabilang linya Tumikhim ako. "Uhm, si Ninong Mannox po ba ito?" Tanong ko para makasigurado. Saglit na tumahimik sa kabilang linya. "Yes, this is Mannox Palacios. Sino ito?" Nabuhayan ako ng loob. Akala ko hindi sya ang nasa kabilang linya. "Ninong Mannox, si Cassandra po ito. Anak po ni Cristino Bacani." Pagpapakilala ko sa sarili. Saglit na tumahimik sa kabilang linya. "Oh.. Cassandra. Anak ni Ka Tinong.." "Opo ako nga!" Nakarinig ako ng mahinang tawa sa kabilang linya. "Mukhang sinabi na sayo ng tatay mo ang offer ko. So, payag ka ba na pag aralin kita dito sa Manila?" "Opo! Opo ninong. Payag na payag po ako. Gustong gusto ko pong makapag aral ng college." Walang patumpik tumpik na kaagad kong sagot. "That's good to hear Cassandra. Pag aaralin kita dito sa Manila kahit anong course pa ang gusto mo." "Salamat po ninong. Entrepreneurship po ang gusto kong kurso. Pangarap ko po kasing magtayo ng sariling negosyo balang araw." "Maganda yang pangarap mo at matutulungan kita riyan. Ayusin mo na ang lahat ng mga papers mo at kapag maayos na ay tawagan mo ko ulit. Ipapahatid kita agad dito sa Manila." "Sige po ninong, aayusin ko na po agad ang lahat ng papers ko. Maraming maraming salamat po talaga na tutulungan nyo kong makapag aral ng college. Tatanawin ko po itong malaking utang na loob at balang araw ay susuklian ko rin po ang kabutihan nyo." Sabi ko at lumingon kay tatay na papalapit sa akin. Sumesenyas pa sya. Nag-thumps up naman ako sa kanya. Muli kong narinig ang mahinang tawa sa kabilang linya. Infairness ang gwapo ng tawa ni ninong pati ang malaki at magaspang na boses nya. Siguradong gwapo pa rin naman sya sa personal pero may edad na. "Masyado ka namang seryoso, inaanak. Saka mo na isipin yang utang na loob na yan. Hindi naman ako naghahangad ng sukli. Ang importante ay makapag aral ka at makapag tapos para matulungan mo rin ang tatay mo." "Opo ninong, maraming salamat po ulit." Nagpaalam na si Ninong Mannox dahil may gagawin pa sya. Pinatay ko na rin ang cellphone ko at nagtitili akong lumapit kay tatay. Kinikilig ako sa sobrang saya. Sa wakas makakapag aral na ako! "Ano anak? Kamusta? Anong sabi ng Ninong Mannox mo?" Sunod sunod na tanong ni tatay na nakaguhit din sa mukha ang katuwaan. "Ang sabi po nya, ayusin ko na raw po ang mga papers ko at kapag maayos na ay pwede na po akong pumunta ng Manila at mag aral. T-Tay, makakapag aral na ako ng college." Naiiyak sa tuwang sabi ko at yumakap ako sa ama. Iniyakap din ni tatay ang isang braso sa akin at tinapik tapik pa ang likod ko. "Masayang masaya ako para sayo anak. Pagbubutihin mo ang pag aaral, ha. Magpakabait ka sa ninong mo at sa asawa nya." Bilin nya sa akin. Di pa nga ako nakakaalis ay may bilin na agad sya. Kumalas na ako sa yakap at ngiting ngiti na tumingin sa ama. "Opo tay, hindi ko po sasayangin ang pagkakataon na ito. Magtatapos po ako, para sa inyo, para sa ating dalawa. Ihh!" Muli akong nagtitili sa tuwa. Pati nga si tatay ay kulang na lang din magtitili rin sa tuwa. Kung di lang sya stroke ay siguradong magtatalon pa sya. "Anong meron at masayang masaya kayong mag ama? Tumama kayo sa jueteng?" Natigilan kami ni tatay ng marinig ang boses ni Tita Amanda. Dumating na pala sya. "Hindi kami tumama sa jueteng Amanda." Sabi ni tatay na di pa rin mapuknat ang ngiti sa labi. Tumaas ang isang kilay ni Tita Amanda at naging mataray ang bukas ng mukha. "Eh bakit kayo masayang mag ama? Ano? Trip nyo lang?" "Masaya kami dahil makakapag aral na ng kolehiyo si Cassandra." Masayang sabi ni tatay. Kumunot ang noo ni Tita Amanda. "Ano? Mag aaral ng kolehiyo si Cassandra? At paanong mangyayari yun eh wala ka namang pera. Maliban na lang kung nanalo ka sa lotto." Pagak syang tumawa. "Makakapag aral na sya dahil pag aaralin sya ng ninong nya sa Manila." Natigilan si Tita Amanda at tumingin sa akin. "At sino namang ninong nya ang magpapaaral sa kanya sa Manila?" "Si Senyorito Mannox. Ninong sya ni Cassandra sa binyag." "Mannox? Mannox Palacios? Ang anak ni Donya Silvina?" Sunod sunod na tanong ni Tita Amanda. "Oo, sya nga Amanda. Nagkausap kasi kami kahapon sa cellphone nung sumama ako kay Ferdie sa hacienda. Eh nalaman nya ang kalagayan ko at nalaman din nya na hindi nakapag aral ng kolehiyo si Cassandra kaya nag alok sya ng tulong na pag aralin si Cassandra. Syempre pumayag na ako. Aba'y tatanggi pa ba ako sa magandang oportunidad para sa anak ko." Ani tatay at tumingin pa sa akin. Nag apir naman kaming mag ama. Ngumisi si Tita Amanda at humalukipkip. "At sino naman ang mag aalaga sayo kung mag aaral si Cassandra sa Manila?" Natigilan naman ako sa tanong ni Tita Amanda. Sa hitsura nya ay mukhang tutol sya sa pag aaral ko. "Hindi naman ako alagain Amanda. Kaya ko naman ang sarili ko. Oo nga at stroke ako, pero di pa naman ako imbalido. Nakakakilos pa ako." Umikot ang mata ni Tita Amanda at tumingin sa akin. Tumaas ang isa nyang kilay. "Hindi ako papayag na mag aral si Cassandra." Mariing sabi nya. Sabay naman kaming napasinghap ni tatay at nagtinginan pa. Bumaling ako ng tingin kay Tita Amanda. "Bakit naman hindi kayo payag tita?" Tanong ko. "Dahil aksaya lang yan ng panahon. Bakit mag aaral ka pa. Magtrabaho ka na lang para may pantustos sa pangangailangan dito sa bahay. Aral aral ka pa eh sigurado namang maglalandi ka lang." Nahigit ko ang hininga sa sinabi ni Tita Amanda. Tila may pumitik na ugat sa sentido ko. Kinuyom ko ang kamao. "Ano ba yang pinagsasabi mo Amanda?" Inis ng tanong ni tatay. Namaywang si Tita Amanda. "Eh di yung totoo! Totoo namang maglalandi lang sa eskwelahan yang anak mo. Lalo na sa Manila. Aba'y siguradong mabubuntis lang yan doon kaya huwag na syang mag aral at magtrabaho na lang -- " "Tumigil ka Amanda!" Sigaw ni tatay sabay hampas ng kanyang tungkod sa paanan ng bakal na mesa. Napaigtad ako at napatili naman si Tita Amanda na namutla pa. Nakaguhit na ang galit sa mukha ni tatay. "Huwag mong pagsasalitaan ng ganyan si Cassanda, wala kang karapatan! At hindi ikaw ang magdedesisyon para sa kanya! Ako! Ako ang magdedesisyon dahil anak ko sya! Kaya mag aaral sya at wala ka ng pakialam don! Naiintindihan mo?" Galit na sigaw ni tatay. Ngayon ko lang nakitang nagalit ng ganito si tatay kay Tita Amanda. Nakakagalit naman kasi talaga ang mga pinagsasabi ni Tita Amanda. Malapit na ring maubos ang respeto ko sa kanya. Hinaplos haplos ko ang likod ni tatay dahil bahagya syang hinihingal sa galit. "Peste! Bahala na nga kayong mag ama. Parehas naman kayong walang kwenta. Makalayas na nga!" Himutok ni Tita Amanda at padabog na lumabas ng bahay. "Sige, lumayas ka!" Sigaw pa ni tatay. "Tay, tama na po. Kalma na po kayo." Saway ko kay tatay. Lumapit ako sa mesa at pinagsalin sya ng tubig sa baso. "Heto tay, uminom muna kayo ng tubig pampakalma." Hinawakan ni tatay ang baso. Medyo nanginginig pa ang kamay nya kaya inalalayan ko na syang makainom. Bumuntong hininga ako habang pinagmamasdan si tatay. Nagkaroon tuloy ako ng pagdadalawang isip na pumunta ng Manila para mag aral. Paano pala si tatay? Sino ang makakasama nya dito sa bahay? Si Tita Amanda sana pero lagi naman syang umaalis at obvious naman na wala na syang pakialam kay tatay. "Tay, huwag na lang po kaya akong tumuloy sa Manila." Sabi ko ng kumalma na ang paghinga ni tatay. Tumingin sa akin si tatay at kumunot ang noo. "Ano bang sinasabi mo anak? At bakit ka naman di na tutuloy?" "Eh.. nag aalala po ako sa inyo eh. Wala po kayong kasama dito sa bahay. Si Tita Amanda naman laging wala." "Ay sus! Ano ka ba anak? Huwag mo kong alalahanin. Kayang kaya ko ang sarili ko. Kung wala akong makakasama dito sa bahay eh di pupunta ako kanila Ferdie." Hinawakan ni tatay ang kamay ko. "Basta anak, mag aaral ka. Huwag mong sayangin ang pagkakataon na ito. Para ito sayo, sa kinabukasan mo. Kaya mag aaral ka." Determinadong sabi ni tatay. Humugot ako ng malalim na hininga. Parehas naming pangarap ni tatay na makapagtapos ako ng pag aaral at tutuparin ko yun. Tumango. "Opo tay, mag aaral ako. Magtatapos ako para sa ating dalawa." Ngumiti si tatay at niyakap ako. Yumakap din ako sa kanya. Kapag nasa Manila na ako siguradong mamimiss ko sya ng sobra sobra. Hindi ko lang kasi sya tatay kundi best friend pa. *****
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD