Cassandra POV
"OO anak, makakapag aral ka na." Ngiting ngiting sabi ni tatay.
Ngumisi naman ako. Ang sarap pakinggan na makakapag aral na ako. Pero alam kong napaka imposible pa sa ngayon.
"Bakit po tay? Nanalo kayo sa lotto?" Natatawang sabi ko.
"Hindi. Alam mo naman na suntok sa buwan na tumama doon."
"Yun na nga po. So, paano nyo po nasabing makakapag aral na ako eh wala nga tayong pera." Ng matapos na ako sa pagluluglog ay tinapon ko na ang tubig sa batya.
"Dahil pag aaralin ka ng ninong mo sa Manila."
Kumunot ang noo ko. "Ninong ko? Sino pong ninong ko?"
"Eh di yung ninong mong mayaman. Si Ninong Mannox mo."
Umawang ang labi ko.
"O huwag mong sabihing di mo natatandaan ang Ninong Mannox mo? Kunsabagay siyam na taong gulang ka lang noong huli mo syang nakita. Pero yung huling kita nyo pasko yun at binigyan ka nya ng sampung libo dahil marami syang utang sayo."
"Natatandaan ko po sya tay."
Bata pa ako noon pero medyo natatandaan ko pa naman ang hitsura ni Ninong Mannox. Gwapo sya at malaking mama. Pero sigurado ngayon ay matanda na sya at malaki ang tiyan. Pero mabait sya dahil binigyan nya ako noon ng maraming pera.
"Kahapon kasi sinama ako ng Tito Ferdie mo sa Haciendas De Palacios dahil nag ani sila ng mangga. Tapos nakausap ko si Ador. Eh kinakamusta pala ako sa kanya ng ninong mo. Kinuwento nya ang kalagayan nating mag ama. Matagal na rin kasi syang walang balita sa atin. Ang huling balita nya sa atin ay noong patay na ang nanay mo at nagpadala pa sya ng abuloy nun. Yun nga, nalaman nya na stroke na ako ilang taon na at ikaw naman ay di na nakapag aral ng college. At tamang tama anak, tumawag ang ninong mo habang magkausap kami ni Ador. Kinausap nya ako sa cellphone at kinamusta. Naiyak pa nga ako habang nagkukwento eh. Tapos nag alok sya ng tulong. Pag aaralin ka daw nya sa Manila. Yun daw eh kung gusto mo."
"Syempre naman po tay, gusto ko. Gustong gusto ko." Excited na sabi ko. Mas lalo pa akong na-excite dahil sa Manila ako pag aaralin. Pangarap ko ring makapunta ng Manila.
"Sigurado ka ba anak?"
"Opo naman tay! Alam nyo naman na pangarap kong makapag tapos ng college para makahanap ako ng magandang trabaho at mapagamot ko na kayo ng maayos."
Ngumiti si tatay at tumango. "Ang sabi ng ninong mo kung papayag ka tawagan mo raw sya. Na kay Tito Ferdie mo ang number nya. Sinave nya sa cellphone nya."
"Sige po tay, mamaya tatawagan ko po si ninong pagkatapos kong maglaba."
"Sige anak, tapusin na natin itong paglalaba."
Ginanahan akong maglaba sa magandang balita ni tatay. Sa wakas makakapag aral na ako ng college at sa Manila pa..
--
Year 20xx..
"CASSEY anak, magmano ko sa Ninong Mannox mo. Aba'y ngayon na lang ulit kayo nagkita nyan." Untag sa akin ni tatay habang kaharap namin ang matangkad at malaking mama na sobrang pogi. Sya raw ang ninong ko.
Nilahad naman ng matangkad na lalaki ang kanyang malaki at maugat na kamay. Hinawakan ko naman yun at dinikit ang noo sa likod ng kanyang kamay.
"Mano po ninong." Malambing na sabi ko sabay ngiti ng matamis. Baka sakali malaki ang pamaskong ibigay nya sa akin. Mayaman naman sya eh. Kaisa isang anak sya ni Donya Silvina.
"Ito na pala ang inaanak ko Ka Tinong. Ang laki na ah! At magandang maganda parang dalaga na." Nakangising sabi ni Ninong Mannox sabay pisil sa aking pisngi.
"Aba'y syempre! Kanino pa ba magmamana yan senyorito kundi sa akin." Tumatawang sabi ni tatay.
"Syempre naman ho." Natatawang pagsakay na lang din ni Ninong Mannox. Dahil ang totoo at laging sinasabi ng mga kapitbahay namin ay si nanay ang kamukha ko.
"Ilang taon ka na nga Cassandra?" Tanong ni Ninong Mannox.
"Nine po ninong." Nakangiting sabi ko.
Namilog ang mata nya. "Nine ka pa lang? Mukha ka ng dose ah!"
"Naku, marami nga ang nagsasabi nyan. Aba'y gusto na nga syang ligawan ng mga anak na binatilyo ng mga kapitbahay namin. Bantay bantay lang namin sya ni Celing para di masalakay." Sabi ni tatay.
Umiling iling si Ninong Mannox. "Tsk tsk. Dapat nyo nga talagang bantayan itong si Cassandra lalo na at malapit na syang magdalaga. Siguradong magiging ligawin sya."
"Sinabi nyo pa senyorito."
Dinukot ni Ninong Mannox ang kanyang wallet at binuksan. Humugot sya ng di ko mabilang na tig i-isang libo na malutong na papel.
"O heto five thousand. Bayad ko sa limang pasko ko na wala ako rito." Nakangising sabi ni Ninong Mannox sabay abot sa akin ng pera.
Namimilog ang matang kinuha ko yun. Ang dami kong pera. "Maraming salamat po ninong!"
"You're welcome. Ibili mo yan ng mga bagong damit at sapatos mo. Ang matitira pambaon mo. Balatuhan mo na rin ang tatay mo pambili ng gin bilog."
"Kuh, kayo talaga senyorito ako na naman ang tinira nyo." Kakamot kamot sa ulong sabi ni tatay. "Pero maraming salamat senyorito. May pambili na si Cassandra ng bagong sapatos pang eskwela. Luma na kasi ang sapatos nya at nakanganga na ang swelas. Kulang kami sa budget ni Celing kaya di pa namin sya mabilhan."
"Wala ho yun Ka Tinong. Regalo ko ho yan kay Cassandra. Teka, dadagdagan ko pa." Muling humugot ng limang libo si Ninong Mannox at binigay sa akin. Syempre kinuha ko yun.
"Naku senyorito! Sobra na ang binigay nyo sa anak ko." Sabi ni tatay at kinuha ang limang libo sa kamay ko.
Napasimangot ako. Kunwari pa kasi si tatay eh. Sigurado namang tuwang tuwa sya.
"Ayos lang ho Ka Tinong. Advance pamasko ko na yan kay Cassandra dahil baka sa mga susunod na pasko ay di ako makauwi dito. Alam nyo naman na sobrang busy na ako sa Manila."
Ang sabi ni tatay ay sa Manila nagwowork si Ninong Mannox at sya ang namumuno ng malaking kumpanya nila. Mataas na mataas daw ang building na pinagtatrabahuhan nya dun sa Manila. Parang mga building na nakikita ko sa mga movies.
"Eh sige, kung mapilit kayo. Itatabi ko na lang to panggastos ni Cassandra." Ani tatay at binalik sa akin ang pera. Pero sigurado din namang kukunin nya rin to mamaya.
"Mabuti pa nga ho Ka Tinong itabi nyo para kay Cassandra. O sige ho, maiwan ko muna kayo saglit. Lalapitan ko lang ang ibang mga bisita." Paalam ni Ninong Mannox.
"Thank you po ninong. Merry Christmas." Sabi ko.
Ngumiti si Ninong Mannox at hinaplos ang buhok ko. "Merry Christmas too, baby girl." Aniya at tumalikod na.
Paglayo ni Ninong Mannox ay nagtatalon ako sa tuwa habang hawak ang maraming pera. Pati si tatay ay tuwang tuwa.
"Dami na nating pera anak!" Malawak ang ngiting sabi ni tatay.
Ngumuso ako at iniwas ang pera kay tatay. "Akin lang po to tay no! Bigay to sa akin ni Ninong Mannox."
"Syempre pengeng balato si tatay 'nak. Kung di kita dinala dito di ka naman magkakapera eh. Di ba?"
"Pambibili nyo lang po ng pulang kabayo eh. Bibigay ko pa po to kay nanay."
"Kaunti lang naman 'nak. Kahit isang papel lang o."
Dahil mukhang kawawa ang hitsura ni tatay ay binigyan ko sya ng isang libo. Marami pa naman akong pera eh. Tuwang tuwa naman si tatay ay nilagay agad ang pera sa bulsa ng kanyang kupasing maong na pantalon.
"O anak, ilagay mo na yang pera sa bag mo dahil baka mawala pa yan."
"Opo tay." Binuksan ko ang sling bag kong kulay pink na balahibuhin at nilagay ko dun ang pera ko. "Dami ko ng pera tay. Bibili ako ng bagong damit at sapatos."
"Oo anak, pasama ka kay nanay mo. Saka anak makinig ka kay tatay." Hinawakan ni tatay ang dalawang balikat ko at yumuko sya.
Tumingin naman ako sa kanyang mukha. Matanda na nga si tatay dahil may kulubot na sa gilid ng mata.
"Ano po yun tay?"
"Nakita mo si Ninong Mannox mo di ba? Marami syang pera dahil mayaman sya."
Tumango tango ako.
"Gusto ko paglaki mo, ang mapangasawa mo ay gaya ng Ninong Mannox mo. Mayaman at maraming pera para di ka maghirap at mabibili mo ang gusto mo. Naiintindihan mo ba si tatay?"
Kahit di ko gaanong naiintindihan ay tumango tango ako. "Opo tay."
Ngumiti si tatay at hinawakan ang aking kamay. "Tara na sa kusina anak, daming pagkain dun."
"Sige po tay. Ihingi din po natin si nanay ng pinakamasarap nilang handa."
"Syempre naman."
Pumunta na kami ni tatay sa kusina at nakipag siksikan pa kami sa mga bisita na mga trabahador din ng hacienda.
*****