Nung Unang Panahon......
Author’s POV
Nung unang panahon, may isang babaeng nagngangalang….
“Teka teka author! Mali naman iyang introduction mo ehh, hindi po ito children’s story ahh, ulit cut tayo”
Sorry naman, ikaw na nga lang mag-narrator, kwento mo ito ehh.
Maryse’ POV
“Marupok!! Marupok!!”
Iyan na lang palagi ang naririnig kong sinasabi ng mga kaibigan ko sa akin sa tuwing masasaktan ako, mai-inlove ako at sa tuwing binabalikan ako ng boyfriend ko. Marupok? Ano ba ako kahoy? Kahoy na madaling mabali ganun?
Kung akala niyo sa akin nanggaling ang salitang “marupok”, nagkakamali po kayo. Hindi porket “Alamat ng Marupok” ang title ng kwentong ito ay sa akin na ang pinagmulan nito, sinasabi lang ng author na ito na isa akong alamat pagdating sa pagiging marupok.
“Ganito na lang ba tayo lagi?? Sa tuwing magkikita tayo, palagi na lang tayong nag-aaway, nagbabangayan, nagtatalo!! Ano ba Bryce?? May problema ka ba? May problema ka ba sa akin?? Ano ? Ayaw mo na ba sa akin?” tanong ko sa boyfriend kong si Bryce.
“I can’t take this anymore Maryse, wanna know the truth?? I’m not happy with our relationship anymore. I’m always frustrated with your kind of attitude, maybe we should end it up already?”
Hindi na ako nakapagsalita sa sobrang lungkot ko nang marinig ko mismo sa harap niya ang mga salitang ito. Pero hindi ko parin siya maiwan sa likod ng mga masasakit na salitang binibitawan niya sa akin kasi mahal ko siya, mahal na mahal.
Kaya ito ang dahilan kaya binansagan nila akong marupok.
Hi guys!!! This would be my first time writing a book under Dreame banner. Sana po ay magustuhan po ninyo.
Shoutout po sa mga readers ko sa w*****d, dito po muna ako magpupublish ng mga stories ko.
Thanks and Happy reading.
-ItsMeKP23