Naging tahimik muli ang kanilang kampo. Wala nang nagsasalita matapos nilang mailibing si Abra. Binebendahan ni Bernard ang mga tama ni Yamamoto, nakatulala pa rin lalaki dahil sa labis na pamimighati. Ang tanging naiwan ni Abra sa kanila ay ang paltik na ibinigay nito sa kaibigang si Yamyam. Malapit na ang pagsapit ng gabi at nakapaikot sila sa apoy na nagbibigay init sa kanila sa lamig ng panahon. Pagkuwa’y napabuntong-hininga si Jaime habang nakatingin sa mga kasamahan. Ngayon na nakaligtas sila sa panganib, ano na ngayon ang gagawin nila? Saan na sila ngayon pupunta? Wala na ang miyembro nilang magaling maghanap ng direksyon. Napatingin si Jaime sa hawak na compass. Ito rin ang huling ibinigay ni Theodore kay Abra bago mamatay ang pinuno. Humigpit ang pagkakahawak niya roon. Hindi

