Hindi pa nakakalayo sila Jaime sa pinagmulan nang makarinig sila ng tunog ng baril at kasabay niyon ay ang paglipad ng mga ibon na nagambala sa katahimikan. Sabay-sabay silang napalingon sa pinagmulan ng ingay. At nang tumingin sa likuran, nagtaka sila nang makita si Lieutenant Efren na may dalang sandata, kasunod nito ang mga kasamahan sa hukbo. "Mga walang-hiya kayo! Traydor!" pagsusumigaw nito na ikinabigla nilang lahat. Lalo na si Jaime na napanganga. Hindi niya maunawaan kung anong nangyayari. Akma siyang magsasalita subalit pinutukan sila ng bala ng lalaki. Napanganga na lamang siya nang biglang bumagsak si Abra na nasa kaniyang tabi. "Abra!" Napasigaw siya at kasabay niyon ay ang pagpapaulan sa kanila ng mga bala. Nahintakutan na hinila ni Micah si Jaime at nagtago sila sa likod

