Kabanata 29: Paglisan

1221 Words

Kumain sila at nanatili nang isang gabi sa base ng nakilalang grupo. Naging mabuti naman ang pakikitungo ng mga ito sa kanila, lalo na si Lieutenant Efren na mukhang nais hikayatin si Jaime na sumali sa kanilang guerilla. Subalit, nakapagpasya na si Jaime na hindi sasali sa mga ito at bubukod upang magpatuloy sa paglalakbay. Malayo man ang Sierra Madre ay handa silang magpatuloy. At naniniwala sila na sa pagtawid sa kabundukan ay mahahanap din nila ang iba pang miyembro ng mga Hunters. Kinabukasan ay hindi na sila nagtagal pa, pagkasikat ng araw ay mabilis silang nag-ayos ng mga gamit at sarili. Pinasunod ni Micah si Yamamoto upang kausapin nang pribado sa lugar na hindi sila maririnig. Pinagpapatuloy kasi nito ang pagpapanggap na pipi katulad ng sinabi ni Abra. Nangangamba kasi sila na

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD