Ang Marking Guerilla ay isa sa pinakamalaki at pinakaorganisadong yunit ng gerilya sa Luzon. Ang pangunahing base ng mga ito ay nasa Rizal at nabuo ang pangkat na ito matapos mapabagsak ng mga hapon ang Bataan at Corregidor. Ang nagtatag ng samahan ay si Marcos Villa Agustin aka Col. Marking at ang asawa nitong si Helen Agustin. Inihatid sila ng mga lalaki sa isang bahay-kubo na nasa gitna ng kagubatan. Kawayan ang haligi, dingding at sahig nito, at gawa naman sa anahaw ang bubong. Sa kanang bahagi na malapit sa kubo ay may isang balon at sa tabi naman niyon, nagsusunog sila ng basura. Naiwan ang ibang mga kasamahan sa labas, samantalang pumasok si Jaime sa pinakaloob ng bahay. Dito niya nakilala ang isang matangkad na lalaking nahuhulaan niyang nasa trenta na ang edad. Inahahanda nito a

