Si Mihael... Napangiti ako nang muling sumagi sa isip ko ang bestfriend ko sa pinakaespesyal na araw na ito. Nakakaramdam man ako ng lungkot, marami na ring tao ang ang nakilala ko na pumuno sa kahungkagan ng puso ko. Masaya ako sa pagtulong sa iba. Mas nangibabaw ang pagtitiwala ko sa taas. "Mihael... Nanay at Tatay. Para sa inyo ito." Kung hindi man naging mabuti ang mga ito, ako ang pupuno sa kabutihang minsan nang pinagkait sa kanila. Ang sabi ni Father sa'kin, hindi na nila natagpuan ang katawan nito nang huli kong marinig ang pangalan ng lalaking una at huli kong minahal pero walang Mihael. Matagal nang patay ang lalaking naging buhay ko. Isang nakaraan na lamang siya; isang nakaraan na nagbigay-kulay sa mundo ko at nag-iwan na lamang ng magandang alaala sa'kin. Unti-unting naghi

