Episode 35

2146 Words

Nakangiti sa'kin ang babae nang umangat ang mukha ko at salubungin ang nagtatanong niyang mata. "Makikinig ako," muling ulit nito. Puno man ng alinlangan ang puso ko, nakikita ko sa kanya ang kabutihang loob nito. Nakaramdam ako ng hiya; ng hindi maipaliwanag na pagkasuklam sa sarili ko dahil akala ko, lahat ng kauri ko ay masama. "Bata pa lang ako nang malaman kong aswang ang pamilya ko, mas pinili pa rin naming mamuhay nang normal kaysa mambiktima ng tao. Iyon ang isang bagay na ipinunla sa isip ng aming magulang; na tao kami at hindi halimaw." Nakangiting hinimas nito ang likod ko nang magsimula akong humikbi. "Ano, iha, sabihin mo ang lahat sa'kin at kung gusto mo, pwede kang manatili rito pero kailangan mong sundin ang mga ituturo ko sa'yo para hindi ka natatakot nang ganito sa mga

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD