Episode 36

2423 Words

Masakit ang katawan ko nang imulat ko ang mga mata ko at nakaramdam ako ng sobrang panghihina. Kumawala ang mahinang ungol sa lalamunan ko nang tuluyan kong makita ang paligid. Unang natuon ang tila nanlalabo kong paningin sa bubong na gawa sa pawid bago humantong ang mata ko sa nakabukas na bintana. Nang tangka kong bumangon, napaungol na'ko nang malakas. "Aaah," impit kong hiyaw nang hawakan ko bigla ang bandang balikat ko bago ito bumaba sa bandang tiyan ko. "A-ano'ng n-nangyari sa'kin?" May panginginig ang boses ko nang mapagtanto kong may benda ang katawan ko. May tama ako ng baril? Malakas na tunog ang naririnig ko sa labas pero hindi ko alam kung ano iyon. Malaki ang bintana at nakikita ko ang matandang babae na nakatalikod sa gawi ko. Nagsisibak ng kahoy ang babae. Buong ingat ko

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD