Malahk Sutrah? hiyaw ng utak ko. Tama! Siya ang author na nababasa ko sa library noon kasama si Mihael—si Mihael. Nakaramdam ako ng sakit sa dibdib ko nang maalala ko ang bestfriend ko; ang mahal ko. "Mali ako ng inakala nang isipin kong naidispatsa ko na ang bato. Ako ang tunay na nagmana ng batong iyan pero maaaring gamitin ng angkan ko ang bato; kagaya mo kaya nagagamit mo ang kapangyarihan niyan pero dapat mong ibalik sa'kin 'yan dahil ako ang tunay na nagmamay-ari." Napahinga nang malalim ang matanda nang maglakad ito papunta sa pinto at sumilip sa siwang nito. "Kahit mamatay kang nasa katawan mo 'yan, hinding-hindi masisira ang kapangyarihan ng bato na 'yan hangga't hindi ako namamatay." Hindi ko maintindihan ang lahat at lalo lang akong nahilo dahil sa panghihina na nararamdaman

