Kahit nanghihina, pinili ko pa ring tumayo. Heto na naman, papalapit na ulit ang lalaki sa'kin. Hindi ko alam kung ano ang tinatakbo ng utak ni Mihael. Nagulat na lang ako nang unti-unti akong magkatawang tao. Bigla akong napaluhod sa pagbabago kong iyon. Isang bagay ang biglang kuminang nang madaanan ito ng tingin ko--ang punyal na ginamit ko nang patayin ko si Mulan. Tanda ko pa nang isuksok ko ito kanina s bewang ko bago ako nawalan ng ulirat kanina. Nasa gitna ito at may kalayuan sa'kin. Kailangan kong makuha ang bagay na 'yon para pananggalang ko sa sarili ko pero mas mabilis at malakas si Mihael. Maliwanag ang sinag ng buwan dahil kabilugan nito ngayon pero hindi maganda ang pakiramdam ko. May nararamdaman akong init sa loob ng katawan ko na hindi ko kayang ipaliwanag. Panganib ang h

