Malamig ang hanging dumadapya sa pisngi ko at ito rin ang nagdulot ng lamig sa buong katawan ko. Unti-unti kong minulat ang namimigat kong mata. Napapikit ako nang maging malabo ang nakakasilaw na bagay na iyon sa kalangitan. Sa muling pagmulat ko, pinilit kong umupo. Saglit akong natulala bago rumehistro sa isip ko ang huling kaganapan kanina. "F-Father?" malakas kong hiyaw sabay tayo pero naging mabuway ang pagkakatayo ko hanggang humantong sa isang bulto ang paningin ko, "M-Mihael?" Binundol ng kaba ang dibdib ko nang makita kong nakatalikod na ito sa'kin at nakatingin sa kawalan. Natagpuan ko ang sarili kong dahan-dahang humakbang palapit sa kanya at nang isang dipa na lang ang layo ko sa kanya, huminto ako. "Mihael, nasa'n tayo?" Hindi pa rin nawawala ang galit ko sa kanya. Saglit k

