Tumiim ang anyo ni Mihael matapos kong gawin iyon hanggang naramdaman ko ang paghawak ng kung sino sa braso ko para pigilan ako. Luhaan ako. Luhaan pati ang puso ko; iba pala kapag mismong naaktuhan mo ang ginagawang krimen ng mahal mo. Ang hirap tanggapin; ang hirap isipin na ang taong 'to ang siyang pinaglalaban mo sa kabila ng katotohanang wala itong pinagkaiba sa mga aswang. "Roxy, ano ba!" Mabilis na nakalapit ang pari nang makita ang ginawa ko. "Halika nga rito, k-kanina ka pa namin hinahanap." Napatingin ako sa madreng bumitaw sa braso ko. Puno ng pang-unawa ang mga titig nito. Marami pang sinabi si Father pero hindi na ito rumehistro sa utak ko dahil punong-puno ng pagkapoot ang mata ko na sinabayan pa ng sandamakmak na katanungan sa isip ko kung ba't ito nagawa ng lalaki. Kung a

