Episode 27: Roxy's POV

3032 Words
Hindi ko alam kung namamalik-mata lang ako pero parang ang macho-macho ni Mihael sa paningin ko. Lumaki ang pangangatawan nito at ang damit ng mahal ko, punit-punit na pero hindi man lang nabawasan ang angkin nitong kakisigan. "Ano'ng nangyari, iho, nang dalhin ka ng mga pulis?" basag ni Father sa katahimikan naming tatlo. Ito rin ang driver ng sasakyan na pag-aari ng simbahan. "Wala ka sa presinto nang sundan ka namin." Napatingin ako bigla kay Michael at naramdaman ko ang kamay nitong pumatong sa mga kamay ko sa kandungan ko. Nasa back seat kaming dalawa. Napunit ang ngiti ko sa labi nang ngitian ako ni Mihael. Nginuso ko bigla si Father na nasa unahan para sagutin nito ang katanungan ng pari. "Pinalabas lang nila ako sa sasakyan, F-Father, after that, wala na'kong matandaan." Sinundan ito ng pagtagis ng bagang ng binata. Tumikhim ako at napatingin sa damit ni Mihael na nagmukhang small size na sa kanya, "Ano'ng nangyari sa damit mo?" Hindi ko napigilang itanong bago dumako ang mata ko sa maamo nitong mukha. "Ang macho mo na, best." Naging bato-bato na ang pangangatawan nito. Sa tagal naming hindi nagkasama, hindi ko na napagtuunan ito ng pansin. Wala pa ring kupas ang kakisigan nito at mas lalo lang dumagdag ang malakas nitong appeal ngayong gabi. "D-dinala nila ako sa gubat na 'yon," muling pag-alala ng lalaki, "At wala na'kong matandaan." Kumunot ang noo ko pero hindi ko na muling narinig pang nagtanong si Father. Hawak-kamay pa rin kami ni Mihael nang makarating kami ng kumbento. Biglang sumenyas si Father na 'wag akong sumunod sa loob ng tanggapan nito. Naiwan akong mag-isa sa labas ng opisina ni Father habang kausap nito sa loob si Mihael. Nakangiting mukha ni Mihael ang bumungad sa'kin nang bumukas ang pinto. Puno ng pagtatanong ang mata ko nang salubungin ko ang lalaki. "R-Roxy." "Mihael?" Naiiyak akong tumingin sa kanya dahil tuluyan na siyang nakalabas sa kulungan niya at heto siya, malakas na malakas. "Iha, ibigay mo kay Mihael ang isang kwartong hindi nagagamit dito." Napatango ako kay Father nang ito naman ang sumulpot sa harap ko. Tiningnan lang ako ni Father bago ito tumalikod sa'min. Fa-Father!" habol kong tawag dito pero hindi na ito lumingon pa. "He asked me again what really happened, all good, love." Agad nang umakbay si Mihael sa'kin sabay hila sa kung saan. "So, where's my room?" Naguluhan man ako, nagpatianod na lang ako kay Mihael. Bumalik ang sigla nito kaya nakaramdam din ako ng saya. Si Father, baka marami lang gagawin kaya nagmadali ito. Isang kwarto ang hindi pa okupado at 'yon ay sa katabi ng kwarto ko lamang kaya lumawak ang ngiti ko nang sulyapan ko si Mihael. Parang nawala ang lahat ng agam-agam ko sa nakikita kong aliwalas ng mukha niya kahit pa marami akong katanungan. Huminto kami sa pinto matapos kaming humantong sa 2nd floor. "Here?" Tumaas ang kilay ni Mihael nang tingnan ako kasabay ng pagtaas ng hawak nito. Dumampi ang labi nito sa likod ng palad ko. "W-Why can't we be in one room, sweety? I think it's better that way para mabantayan kita lalo." Kinilig ako pero hindi maaari dahil nasa alanganin kaming sitwasyon. Kailangang alerto kami sa lahat ng oras. Nawala ang ngiti ko nang maisip ko si Mulan. May pag-aalala kong tiningnan si Mihael. Delikado para sa lahat ang pinsan kong iyon. Sa ngayon nag-aasta pa itong maamong tupa sa harap namin pero alam ko ang likaw ng bituka ni Mulan. Isang halimaw na handang pumatay ang babaeng iyon. "M-Mihael?" Nahila na'ko ng lalaki papasok sa loob nang buksan nito ang pinto. "Mihael, ang batong itim, m-may... may epekto n-na ba sa'yo? Kailangan n-nating puntahan si Tay Densio para matulungan n-niya tayo, Mihael. Please." Napaawang ang labi ko nang isandig ako ng lalaki sa hamba ng pintong nakasarado na. Lumikha pa ito ng mahinang tunog nang biglang isara ni Mihael kanina. "S-sandali, Mi—" Nasakop na ng lalaki ang labi ko ilang sandali pa. Nanlaki lang nang una ang mga mata ko pero napapikit na rin ako nang maging banayad ang paghalik niya sa'kin. Hindi ko napigilang yakapin ang lalaki kasabay ng masaganang luha ko. Ito lang sapat na. Pagmamahal lang ni Mihael ang sasapat sa kahungkagan ng puso ko. Sa kabila ng unos, ito lang ang kinakapitan ko para hindi ako sumuko. "I-I love you, R-Roxy," anas ni Mihael nang humiwalay ito sa'kin. Tinitigan ako ng lalaki sa mata, "Sobra kitang na-miss." "Ang batong itim, Mihael—" Napahinto ang lalaki nang ilagay nito ang hintuturo sa labi ko, "Wag mong isipin 'yon, love. Importante magkasama tayo at nandito ako sa tabi mo." Naging malaulap na ang paningin ko dahil naging musika na ito sa pandinig ko. Napahinga ako nang malalim nang lumandas ang kamay ng lalaki sa exposed kong braso. Napakagat-labi ako nang mapatingin sa kanya. Si Mulan... delikado siya! Si Tay Densio, kailangan kong makita at iharap si Mihael sa kanya pero... "I want you now, Roxy," walang gatol na saad ng lalaki nang ibulong niya ito bigla sa tainga ko. "I dont know why but I really miss you. P-please." "M-Mihael—" Natagpuan ko na lamang ang sarili kong nakayakap na sa lalaki at gumaganti na sa mapaghanap n'yang halik. Lumandas ang kamay ko sa hubad-baro nitong katawan. Ang bilis namang magtanggal nito ng damit nang hindi ko namamalayan. Hindi ko napigilang padaanan ang likod nito na animo'y naging malabakal na ang katigasan pero hindi ako makapagsalita dahil magkahinang pa rin ang labi namin. Napasinghap ako nang tuluyan nang walang itira na saplot si Mihael sa katawan; hindi ko maalis ang pagkakatitig ko sa kanyang katawan. Ilang buwan na ang lumipas nang may mangyari sa'min... hindi ko na matandaan dahil naging okupado ang isip ko sa lahat ng delubyong nangyayari sa mundo. Naramdaman ko ang paglapat ng katawan ko sa malambot na kutson nang buhatin ako ng lalaki. "M-Mihael, ang mga a-aswang—" Naramdaman ko na lang ang bigat ng lalaki nang muli itong dumagan sa'kin. Napapikit na lang ako nang simulang tanggalin ng mahal ko ang anumang natitirang suot ko," M-Mihael, n-natatakot ako." Natatakot ako sa lahat ng mga nangyayari. "R-Roxy, please," yamot na anas nito sa tainga ko. "Miss na kita, ang t-tagal nating hindi nagkasama nang ganito—" Yumakap na lang ako; isang yakap na puno ng pangamba. Ang daming naglalaro sa isipan ko pero sa bawat haplos at halik na ginagawa ng mahal ko ngayon, nawawala ang mga agam-agam na iyon panandalian. Punong-puno ng pagmamahal nang titigan ko si Mihael. Nagpapaubaya ako sa lahat ng gusto niya; kahit ilang saglit lang. Moment ko 'to. Moment naming dalawa. Kasabay ng pagliyad ko ang pag-iisa namin. Panibagong pakiramdam ito sa'kin; parang kailan lang. Punong-puno ng pangarap ako nang ialay ko ang sarili ko sa lalaking ito. Iisa lang ang gusto ko; ang makabuo ng pamilya kasama si Mihael. "M-Mihael—" Mabilis ang pagkapit ko sa matipunong braso ng lalaki nang maging agresibo ito pero hinayaan ko lang siya. "Baka... b-baka pumunta bigla si Father." Sumusunod ang katawan ko sa bawat pagkilos na ginagawa ni Mihael at may hatid itong init sa katawan ko. Ramdam na ramdam ko ang pag-iisa namin at walang pagsidlan ang tuwa ko. Sobra ko ring na-miss ang mahal ko. Napaungol na lang ako nang kubkubin ako ng halik ni Mihael. Tuluyan nang naglaho ang lahat ng mga iniisip ko at ang dapat kong gawin sa araw na 'to. Nilunod ako ng sobrang pagmamahal ko sa lalaki. May sinasabi si Mihael sa'kin kaya napapangiti ako. Sinasabi nito kung gaano niya 'ko kamahal. Sa pagitan ng 'di maipaliwanag na damdamin habang magkahugpong ang mga katawan namin, hindi ko mapigilang sambitin ang nilalaman ng puso ko. "Magpakasal na tayo, b-best." "Yeah, R-Roxy! Hah!" Nakangisi na ito sa'kin kaya nahawa na rin ako sa sayang nakikita ko sa mukha niya. Napuno ng mahihinang ungol ang loob ng maliit na kwartong iyon. Hindi ko alam kung ilang oras kami roon pero ang namimigat kong mata, tuluyan nang pumikit hanggang nagising na lang ako sa kalaliman ng gabi. Bigla akong napabangon. "M-Mihael?" malakas kong hiyaw nang magising akong wala na siya sa tabi ko matapos kong kapain ang gilid ng kinahihigaan ko. Napatalon ako sa kama at kinapa ang sarili ko. Nakahubad ako kanina matapos ang pulot-gata naming dalawa pero suot ko na ang mga damit ko. Madilim din sa kwarto kaya aligaga kong hinagilap ang switch ng ilaw. Nakahinga ako nang bumaha ang liwanag sa kwarto. Walang Mihael! "Mihael, nasa'n ka?" Nang bumukas ang pinto, katahimikan ang bumungad sa'kin. Ni hindi man lang ako ginising ng lalaki. Matapos kong ihilamos ang kamay ko pati na ang pagsuklay ng buhok gamit ito, tumakbo na'ko sa hagdan para puntahan ang mga kasama ko. "Mihael?" muli kong hiyaw. Katahimikan. Ang ilaw sa hallway kung nasaan ako, nag-iisa lamang kaya naging madilim na ang ibang parte ng dinadaanan ko. Nakiramdam ako pero wala akong ingay na naririnig. Tahimik ko lamang binagtas ang daan papunta sa kwarto ni Tay Densio. Gusto kong kausapin ang matanda sa kalagayan ni Mihael at ni Mulan... Nang maisip ko si Mulan, napatakbo na'ko nang mabilis pero kasimbilis ng pagtakbo ko ang mabilis kong pagkadulas nang dere-deretso akong tumilapon sa gilid. "Araay!" gigil kong hiyaw at mangiyak-ngiyak kong nahawakan ang ulo ko bigla nang mauntog ito sa pader. Basa ang semento at dahil may kadiliman na sa area ko, gumapang na lang ako at natigilan ako. "Ano 'to?" anas ko. Parang bumaha ng tubig ang daan nang makapa ko sa dilim pero nang pakiramdaman ko ito, masangsang ang naaamoy ko. Sumikdo ang dibdib ko at tinaas ko ang kamay ko. Masangsang lang pero hindi dugo ang naaamoy ko. Mabango ang dugo ng tao sa isang aswang at hindi ko ito naaamoy nang ganoon. Buong ingat akong tumayo habang nakaalalay ang kamay ko sa pader. Naging malubha yata ang bagsak ko dahil ramdam ko pa rin ang sakit sa likod ng ulo ko. "Father?" malakas kong tawag. "Father, kailangan n-nating palagyan ng ilaw ang area-ng ito." Inis na inis ako nang magsimula na'kong maglakad sa dilim. Wala nang kailaw-ilaw ang bahaging ito dahil paliko na ito. Siguradong may binigay na task ang pari kay Mihael. May toka kaming lahat kung ano'ng oras ang duty namin. Dapat may duty ako ngayong gabi pero hindi man lang ako ginising ni Mihael. "Aaah!" Napahiyaw na naman ako nang muli akong bumagsak sa lapag. This time, mukha ko naman ang biglang nangudngod pero buti na lang mabilis din ang kamay kong tumukod. Hindi tuluyang nabungi ang ngipin ko. "A-ano 'to? Ang paa ko." May naramdaman akong nakaharang sa dinaanan ko. Umiba ako ng pwesto at kinapa ito pero napaurong ako. Saglit akong natulala at muling kumapkap ang kamay ko. Tama ako! Katawan ng tao ang nakakapa ko kaya napaurong ako sa pagkakaupo at ang nakakatakot pa, nadagdagan ang kaba ko nang sa bawat pag-urong ko, basa ang sahig. Gusto kong sumigaw ng tulong pero natatakot ako. Sana nananaginip lang ako. Sana— "Tulooong!" hiyaw na nagmumula malapit sa'kin. "Tuluungan niyo koo!" Nanlaki ang mata ko sa dilim at dahil wala akong makita, nangapa na naman ako hanggang maalala ko na may kapangyarihan ako bilang aswang pero bakit hindi ako makakita sa dilim? "Tay Densiooo?" Nasisiguro kong boses iyon ng matanda. Ang pang-amoy ko, ang pandinig ko at ang malakas na pakiramdam na dating taglay ko, bakit animo naglaho na lang? Alam ko ang amoy ng aswang kapag nasa malapit sila; alam ko ang amoy ng dugo na napakabangong singhutin pero wala akong maamoy kagaya ng inaasahan ko. "Tuloong!" Isa pang malakas na hiyaw ang narinig ko bago ito nawala. Kasunod nito ang nakabibinging katahimikan. Napatakbo ako bigla papunta sa sigaw na iyon at kahit magkandadulas-dulas ako, pilit pa ring akong tumatayo. Para akong nasa skating dahil basang-basa ang nadadaanan ko. Kahit nanggigil ako sa inis, mas lamang ang kaba ng dibdib ko sa takot na nararamdaman ko. "Tay D-Densiooo!" Mabilis ang pagtulak ko nang makarating ako sa kwartong inokupa ng lalaki. Nadalaw ko pa siya kanina pati na ang doktor na tumingin dito. "Mihael?" napamulagat ako nang datnan ko ang lalaki. May ilaw sa loob ng kwartong ito kaya kitang-kita ko ang lahat. Napasandig ako sa pader habang nakatingin sa kanila. Nanginginig ang buong katawan ko at nanghina ako sa nakakahindik na tagpo sa harapan ko. "R-Roxy," hirap na hirap na saad ni Tay Densio na may nakakabit pang swero sa kamay. "P-pigilan mo sila, k-kahit a-anong... m-mangyari. Wala k-kang ititira s-sa mga h-halimaw na ito... wala—" Hindi na ito nasundan pa ng matanda nang kusang umagos ang luha nito at tumirik na lang ang mga mata na may kasama pang pangingisay. "Mihaeeel!" Punong-puno ng galit ang dibdib ko sa nakatalikod na lalaki. Natagpuan ko na lamang ang sarili kong sinusuntok na ang likod nito pero hindi ako sinulyapan ng lalaki dahil abala ito. Abala ito sa pagkain kay Tay Densio. "Hayooop kaaa!" Pumalahaw na'ko ng iyak nang pilit ko siyang itulak. "Bitawan mo siya, hayoop kaaa!" Ang pagtangis ko, naging malakas na sobra dahil may kasama na itong pagwawala. Sa isang iglap pilit akong nagbagong anyo pero nang tuluyang nang lumabas ang pakpak ko, muli akong naging tao. Bumagsak ako sa sahig na bumaha na sa sariling dugo mula sa biktima ni Mihael. "Hayoop ka, M-Mihael," umatungal na'ko ng iyak kasabay ng paggapang ko papunta sa kanya. "Bakit mo p-pinatay si Tay Densio, b-bakiiit?" Mas masahol pa sa ginagawa ng aswang ang nakikita ko kay Mihael. Ang pagmamahal na nasa puso ko para sa kanya, napalitan ng poot hanggang muling sumuntok ang kamay ko sa pang-upo nito habang nakaluhod ako hanggang tumigil na ang lalaki sa ginagawa nitong pagkagat sa matanda. "Mamamatay tao kaaa!" umiiyak kong sigaw nang lumingon ito. Kita ko ang itim na itim nitong mata na nakatitig sa'kin. "W-wala kang p-puso, Mihael. Hayooop! Bakit?" Hindi ko makayanan ang kirot na nasa loob ng dibdib ko; para akong sasabog kaya umatake ako sa kanya pero ilang sandali lang, "Aah. Aack!" Hindi ako makahinga. Nakahawak na ang kamay ni Mihael sa leeg ko at kahit ano'ng pagkawag ang gawin ko, hindi ako makawala hanggang sumipa na ang mga paa ko nang bigla akong umangat sa lupa. "M-Mi...M-Mihael," hirap na hirap kong tawag sa pangalan niya kasabay ng sunod-sunod na pag-agos ng luha ko. Lumagabog ako sa sahig nang bitawan ako ng lalaki at muli itong bumalik sa ginagawa. Pilit akong nagbagong anyo nang makatayo ako pero sa bawat pagtatangka ko, lalo akong nanghihina. Nanginig ang katawan ko nang sumalampak ako ng upo habang nakatitig sa lalaki. "P-parang awa mo na, M-Mihael. Tama naaa!" Bakit ganito? Hindi ako makapag-transform sa pagiging aswang ko. "Mihaeel!" Isang mabangis na mga atungal ang narinig ko sa labas kasabay ng paglingon ng lalaki sa pinto. Mabilis itong tumakbo palabas kasabay ng pagtayo ko para habulin ito pero nawala na sa dilim ang lalaki. Napalingon ako sa kinahihigaan ni Tay Densio at napailing nang sunod-sunod. Mabilis kong sinara ang pinto at ni-lock. Nanginginig ang kamay ko nang itaas ko ito, punong-puno ito ng pulang likido. Dugo. Puno ng dugo ang damit ko! Tama nga ako. May nabiktima na naman ang halimaw at base sa mga atungal na nagsulputan bigla, alam kong hindi lang isa. Marami sila. "Tay Densio," hinang-hina kong sambit nang mapaluhod ako sa tabi ng kama nito. "P-patawarin niyo p-po ako, si M-Mihael. H-hindi niya alam ang g-ginagawa niya." Kahit ano pang paghingi ko ng tawad, wala nang buhay ang matanda. Napapiksi ako bigla nang makarinig ako ng sunod-sunod na putukan sa labas. Nakaramdam ako ng pag-asa. Alam kong may mga pulis nang dumating. Mabilis kong kinuha ang kumot sa isang cabinet at umiiyak na kinumutan ang matanda. "Patawad, Tay D-Densio. P-patawad." Nakaramdam ako ng pagbaliktad ng sikmura dahil sa kalunos-lunos na kalagayan nito. "Hayop ka, M-Mihael." Pero kasalanan ba ng lalaki kung nasa ilalim ito ng itim na kapangyarihan? Kasalanan ko ito, eh. Kung sana naprotektahan ko si Mihael noon, disin sana'y hindi siya ganito. Malakas na kalabog sa pinto ang narinig ko na ikinapitlag ko. "May tao ba rito?" malakas na sigaw na nagmumula sa labas. Sinundan ito ng halos pagbalya na sa likod ng pintuan na animo masisira na sa pagtadyak. "Meron po," naiiyak kong anas pero wala akong lakas. "Tulungan n'yo k-ko." Napasiksik ako sa isang tabi. Isang malakas na kalabog ang naging kasunod nito nang lumipad ang pinto. Nanlaki ang mata ko nang mapagsino ko ang mga ito, ang mga kapulisan at ang isang madre. "Diyos ko po, R-Roxy!" Mabilis na nakalapit si Sister sa'kin pero natigilan ito nang mapalingon sa higaan na may taklob na kumot. "D-Densio," mahinang anas nito. "Clear!" malakas na sigaw ng isang pulis. "Sister, dalhin mo siya sa safe room." Umagapay sa'kin ang ilang kapulisan. Naging maliwanag ang hallway dahil may bitbit na mga ilaw ang kapulisan. "Sister," umiiyak kong tawag sa madre. "P-pinatay si Tay Densio." "Marami sila, Roxy, kaya kailangan muna nating pumunta sa safe room. Marami nang nabiktima ang mga halimaw sa mga kasamahan natin." Napasinok na rin ang madre nang isiwalat ito. "Iilan na lamang tayong natitira." May naririnig pa'kong ilang putok. Naisip ko si Mihael pero hindi ko makapa ang pag-aalala para sa kanya dahil sa nadatnan kong tagpo kanina. Sa isang malaking bulwagan kami humantong, isa itong prayer room na may kalakihan din. Nanlulumo ako at litong-lito pero sa pag-angat ng mukha ko, sinalubong ako ng mapanuring mga tingin na iyon. Si Mulan, habang kunot ang noong nakatitig sa'kin at halos hindi ko maihakbang ang mga paa ko sa isa pang pares ng mapanuring mata na pag-aari ni—Mihael. Naramdaman ko ang pagtulak ng kung sino sa likod ko at ang malakas na pagsara ng bakal na pinto. Nakatitig lamang ako kay Mihael na malinis na at walang bahid dugo sa damit nito. Naging manhid ang pakiramdam ko at wala akong makapang kahit ano'ng pagmamahal para sa kanya sa isang iglap. Poot. Inis. Nilalamon ako ng sobrang galit sa pagkakataong ito kaya natagpuan ko na lamang ang sarili kong kaharap siya kasabay ng paglipad ng isang kamay ko papunta sa pisngi ng lalaki. Malakas na sampal ang binungad ko sa muling pagkikita namin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD