Nakaramdam na naman ako ng sobrang p*******t ng tiyan ko. Butil-butil na ang pawis ko sa noo at nanlalamig na rin ang katawan ko. Bakit ako nilalamig nang ganito? Hindi unipormado ang mga taong maghahatid sa'kin sa police station kaya labis ang pagtataka ko. Ayon sa mga pulis, ang mga ito ang maghahatid sa'kin pero madawag na gubat ang napansin ko sa unahan.
"S-Sir," nakikiusap ang tono ko nang mapahawak ako sa screen na humaharang sa pagitan namin. Nasa loob ako ng sasakyan na animo naging kulungan na dahil mag-isa lang ako samantalang nakaupo sa harap ang dalawang lalaki na maghahatid sa'kin. "M-masama ang pakiramdam ko, pwede bang ibalik niyo ko sa ospital? Kanina ko pa nainum 'yong binigay ng doctor pero lalo lang sumama ang pakiramdam ko."
Napayukyok ako sa likod pero ang tinawag ko, tiningnan lang ako at nginisihan. Napaiyak ako nang maalala ko si Roxy. Kay dami nang nabago sa buhay ko. Si Roxy na lang natitirang pamilya ko at ang sakit na na nakikita ko sa mata niya kanina, hindi ko masikmurang alalahanin pa. Isa akong failure. Mamamatay tao! Napasandal ako ay umiyak nang tahimik. May Diyos ba? Wala naman akong ginawang masama pero bakit ganito ang nangyari sa buhay ko? Bakit ko pinatay ang pamilya ko? Nasa dibdib ko ang lahat ng sakit at kahit ano'ng gawin ko, habangbuhay ko na itong dadalhin. Hindi ko ginustong maging ganito.
"Aaaah!" Napahiyaw ako nang ubod lakas kong pisilin ang bandang tiyan ko sabay muling baling sa mga kasama ko. "S-Sir, please, ibalik niyo 'ko sa ospital. G-grabe na ang sakit ng tiyan ko... hindi k-ko na kaya. P-parang awa niyo na po."
Naging mabigat ang paghinga ko nang mahigpit akong humawak sa bakal na kulungan; na sadyang ganito ang pagkaka-design para hindi makatakas ang salarin. Nanginig na lang ang kamay ko at hindi ko na makontrol ang nangyayari sa'kin. Biglang pumilig-pilig ang ulo ko kasabay ng pag-akyat ng dugo ko sa ulo. Bigla akong nakaramdam ng labis na pagkahingal.
"Haah! P-please, t-take me to the hospital or take me back to the church. Sir, Kailangan ko n-ng tulong." Naramdaman ko ang paninigas ng aking mga kamay nang mas lalong humigpit ang pagkakakapit ko sa bakal kung sa'n ako nakakulong. "H-hindi ko na kaya, h-help me."
Nauntog pa ang ulo ko sa screen na bakal nang biglang huminto ang sasakyan. Bigla na lang itong pumreno nang walang pasintabi pero dahil nakaramdam ako ng panghihina at pagbaliktad ng sikmura, hindi ko magawang magreklamo pa. Narinig ko pa ang tawanan ng dalawang pulis hanggang bumukas ang likod ng sasakyan kung nasaan ako. Nakasandig lamang ako at nanlalabo ang tingin ko sa kanila.
"H-help me, please." Isang mahabang pagsinghap ang nagawa ko nang halos mawala ang hininga ko hanggang suntukin ko ang dibdib ko. Paulit-ulit ko itong ginawa hanggang mapasinghap na naman ako, "D-dalhin niyo 'ko sa ospital, mga sir. Hindi m-maganda ang pakiramdam ko."
Isang lalaki na nakangisi ang nakatingin sa'kin, "Huwag kang mag-alala, Mihael. Matatapos na ang paghihirap mo."
"Dahil hindi ka na sisikatan ng araw," mabilis na dugtong ng isa pa na seryoso lamang ang mukha. "Utos ng gobyernong paslangin ang mga halimaw at—isa ka sa mga 'yon pero, pare," anas ng lalaki sa kasama. "Hindi ito alam ng mga pulis, baka may kalalagyan tayo kapag nalaman nila ito."
Madilim ang mukhang binalingan ng isa pa ang kasama, "Walang makakaalam kung sasabihin mo, ulol! Biktima ng mga halimaw ang pamilya ko kaya dapat lang na wala tayong itira sa mga kalahi niya. Tumahimik ka at 'wag mong ikanta ito kung ayaw mong balikan kita. Marami nang namatay at hindi na ito mapapansin ng mga kapulisan."
Lalong nanlabo ang paningin ko pero ang luha ko, unti-unti nang nagsipaglalagan sa mga mata ko. "No. Hindi niyo alam ang lahat; biktima lang din ako ng mga halimaw. G-gusto ko nang gumaling at bumalik sa n-normal." Hirap na hirap ako nang sabihin ko ito pero wala akong nagawa nang maramdaman ko ang kamay ng mga pulis nang sapilitan nila akong pababain.
Nalugmok pa'ko sa lupa nang bigla nila akong bitawan. Lalo lang sumama ang pakiramdam ko at panaka-nakang hindi ako makahinga. Hindi ko maintindihan pero mukhang umeepekto ang batong itim sa'kin. Sana makayanan ko at tuluyan na 'kong gumaling.
"Aah!" Isang sipa sa likod ko ang naramdaman ko at nang mapatingin ako sa kanila, may hawak nang baril ang isang lalaki.
"Wait, pare. Kailangan ba natin 'tong gawin?" May alinlangan pa ang isang lalaki nang hawakan nito ang kamay ng kasama.
"Kriminal siya at halimaw," yamot na saad ng lalaki na tumutok ng baril sa'kin. "Nakita mo naman sa sinend na CCTV, 'di ba? Kung hindi natin 'to papatayin, marami pang mabibiktima ang halimaw na 'to!"
Isang putok ang umalingawngaw at ang mainit na bagay na iyon na agad kong naramdaman, pumuslit ang dugo ko nang dumaplis ang bala sa tagiliran ko.
"Aaah!" Nakaharap ako sa kanila habang nakaupo at umuusog palayo. "Please, n-no! W-wala akong kasalanan—"
Agad na pumigil ang isang kamay ng lalaki sa kasama. "Pero, pare, tagahatid lang tayo sa presinto dahil kulang ang mga kapulisan sa area natin. Baka—"
"Tumahimik ka!" singhal nito sa kasama bago niya 'ko binalingan. "Kilalang-kilala ko ang pamilya mo, M-Mihael," mabagsik na saad ng lalaki. "Pero dapat ka nang mawala." Napapikit ang lalaki at nang magmulat ito, nakangisi na ito, "Ang sinumang pumapatay sa tao, hindi na dapat pang binubuhay! Sorry, Mihael, pero iba na ang panahon ngayon. Pinoprotektahan lang namin ang mga t-tao."
Isa pang putok ang umalingawngaw na ikinalugmok ko. Masaganang luha ang umaagos sa mga mata ko at ang mahinang ungol ko dahil sa sakit ng balang pumasok sa katawan ko. Sa dibdib pinatama ng lalaki ang kasunod nitong pag-atake sa'kin na nagdulot ng paghabol ko ng hininga ko.
"P-please," umiiyak kong anas kasabay ng unti-unting pandidilim ng paligid ko. "H-hindi ako h-halimaw... h-hindi ako m-mamamatay tao. B-biktima ako. B-biktima a—"
Umalpas sa lalalamunan ko ang hangin nang mahirapan na'ko sa paghinga. Tuluyan na'kong bumagsak patihaya habang walang hinto ang pag-agos ng mga luha ko. Madilim na at nakikita ko ang nagkikislapang bituin sa kalangitan pero hindi ko abot ang pag-asang mabubuhay pa.
"Iwanan na natin 'yan, mamamatay na rin naman 'yan. Marami pa tayong g-gagawin." Agad nang tumalikod ang lalaki matapos masabi iyon.
Ang isa naman na bumaril sa'kin, sa nanlalabo kong paningin, bumagsik pa ang mukha nito nang tingnan ako. Napailing ito nang isuksok nito sa bewang ang baril na ginamit.
"S-sorry, M-Mihael, para ito sa ikabubuti ng lahat. Paalam." Kasunod nito ang pagtalikod ng lalaki pero saglit itong huminto, "Ipagdadasal ko pa ring mapunta sa langit ang kaluluwa mo sa kabila ng pamamaslang mo sa mga inosenteng tao. Patawarin ka nawa ng Diyos."
Tuluyan na'kong napapikit kasabay ng paghabol ko ng hininga ko. Lumilikha ng tunog ang pilit kong paghahabol nito. Ito na ang huling araw ko sa mundo.
Roxy. Mommy. Daddy. Forgive me, hindi ako perpekto pero alam ng Diyos ang pinagdadaanan ko. Siya lang ang nakakaalam ng lahat; siya lang ang nakakakita sa lahat ng paghihirap ko. Patawad, Lord, patawad kung naging kampon ako ng dilim. Mas mabuti na ang ganito, para wala na'kong mabiktima na iba pa. Roxy, mahal na mahal kita...
Isa pang malaking pagsinghap ang nagawa ko nang hindi na ako makahinga. Ang naging kasunod nito, para akong nahuhulog sa isang madilim na lugar; walang katapusan ang pagkawag ko at pagsigaw. Ang walang katapusan na pagkahulog ko ay nagdulot ng magaang pakiramdam sa'kin nang una hanggang maging mabigat iyon... pabigat nang pabigat hanggang nakaramdam ako ng 'di maipaliwanag na sakit at pag-iinit ng katawan ko.
"Aah!" impit kong hiyaw nang makaramdam ako ng sobrang p*******t ng kalamnan ko. Akala ko patay na'ko at mawawala na ang ganitong sakit pero bakit ramdam ko ang lahat? "R-Roxy." Patuloy lang sa pag-agos ang luha ko nang maalala ko ang babaeng naging dahilan kung ba't pa'ko nandito sa mundo, "I-Im s-sorry, mahal. Hindi na tayo m-magkikita, h-hindi na, R-Roxy."
Isang malakas na ungol ang pumailinlang sa bahaging iyon ng gubat kung sa'n ako dinala ng dalawang pulis. Ramdam na ramdam ko ang pagtulo ng luha ko pero ang p*******t at pag-iinit sa bahaging nasugatan ako, nawala na lang iyon bigla. Natagpuan ko na lamang ang sarili kong nakatayo sa karimlam habang nakatanaw sa mga ilaw sa kabilang ibayo ng kalsada. Nakaramdam ako ng 'di maipaliwanag na lakas pero ang mas nakakahindik, ang 'di matighaw na uhaw ko at pagkagutom.
Sa tangka kong paghakbang, napansin ko ang lumaking pangangatawan ko. Napahawak ako sa balat ko sa pag-aakalang patay na'ko pero napangisi ako. Bakit ganito? May bahaging sinisigaw ng utak ko na ako si Mihael, pero may bahaging natutuwa ako sa kakaibang lakas na nararamdaman ko.
Isang ungol na malakas ang biglang kumawala sa'kin at tinakbo ko nang mabilis ang kalsada papunta sa mga ilaw na iyon; kung nasaan ang mga kabahayan at ang mga sasakyang dumadaan. Sa bawat pagtakbo ko, humahampas ang katawan ko sa malamig na hangin. Hindi ko maintindihan kung ano ang nangyayari sa'kin pero iisa lang ang tinutumbok ko—ang lugar kung sa'n may mga tao.
"Ugh!" Napahinto ako saglit nang muling mag-init ang buong katawan ko. "T-tulungan niyo 'ko," nanulas sa bibig ko kasabay ng malalim na paghinga ko. Ang takbo ko kanina, naging lakad na lang habang tinatalunton ang daan pababa sa isang lugar. "B-bakit ganito?" Napahawak ako sa tiyan ko nang makaramdam ako ng pangangasim. "Kailangan kong malagyan ang simura ko; kailangan kong makarating sa kabila."
Naging takbo na naman ang lakad kong iyon nang sundan ko ang maliliit na ilaw sa baba. Papunta ito sa kumpulan ng mga nagrorondang tao. Kusa na lang akong napangiti nang maamoy ko ang kakaibang bango na iyon; hindi ko alam kung ano iyon pero ito ang nag-uutos sa isip ko para sundan ang amoy.
"Haa!" gulat akong napasigaw. "P-patayin niyo 'yan!"
Naitakip ko bigla sa aking mata ang dalawa kong kamay nang isang nakakasilaw na ilaw ang tumama sa mukha ko. Sinabayan ito ng nakakangilong sagitsit ng gulong nang huminto ang isang sasakyan sa harap ko. Malakas na kalabog ang narinig ko kasabay ang tinig na iyon.
"M-Mihaeel!"
Nanlaki ang mata ko nang makita ko ang bulto ng isang tao na tumatakbo palapit sa gawi ko. Isang kamay ang biglang humila sa'kin palayo sa harap ng sasakyan. Naging malinaw na ang mukha ng taong iyon; na walang iba kundi si Roxy.
"R-Roxy," anas ko nang makita ko ang luhaang mukha niya. "A-ano'ng g-ginagawa mo rito?"
Yumakap agad ang babae sa'kin. Umiyak na lang ito nang pagkalakas-lakas nang tumingala at salubungin ang nagtataka kong mukha.
"Mihael, ang sabi ng... ng mga pulis, dinala ka raw sa p-presinto pero nang puntahan ka namin, wala ka ro'n kaya hinanap ka namin." Yumugyog ang balikat ng babae nang idikit nito ang mukha sa dibdib ko, "Oh, Diyos ko, s-salamat po at ligtas si Mihael." Sinundan ng panlalaki ng mata ni Roxy ang kamay nito. "Ano 'to? Dugo? M-may sugat ka, Mihael?" Agad itong napalingon sa sasakyan. "F-Father, tulong, may s-sugat si Mihael."
Nakatayo na rin sa tabi ng sasakyan ang tinawag ni Roxy pero nakatitig lamang ito sa'kin habang nanlalaki ang mata. May pagtataka sa mukha ng dalaga nang talikuran ako.
"F-Father, bakit po?" takang-taka na tanong ni Roxy nang lumapit sa pari. "Ano'ng nangyayari, Father? Bakit hindi ka nagsasalita?"
Paghila sa loob ng sasakyan ang naging kasagutan ng pari at nang masigurong nakapasok na sila, mabilis nitong ni-lock ang loob.
"Iha," anas ng pari. "Hindi mo ba nakikita ang anyo ni Mihael? May k-kakaiba sa kanya."
Napamulagat ang dalaga nang tingnan ako kahit nasa loob na siya ng sasakyan. Napabuntong-hininga na'ko at nakaramdam na rin ng pagkabagot. Muli akong napatingin sa mga ilaw na iyon sa malayo.
"B-bakit, Father?" muling tanong ng dalaga. "Ang batong itim..."
"Ano ang itim na bato?" balik-tanong ng pari sa dalaga.
Kahit nasa loob ng sasakyan ang mga ito, dinig na dinig ko ang usapan ng dalawa kaya napangisi ako. Ang itim na bato. Natatandaan ko na. Pinalunok sa'kin ni Roxy ang bato para gumaling ako at nang kapain ko ang sugat ko, hindi na ito dumudugo kagaya kanina pero wala akong maramdamang sakit. Lakas. Hindi ko maipaliwanag ang kapangyarihan na lumulukob sa pagkatao ko. Kung anuman ito, iisa lang ang nasisiguro ko.
"Makapangyarihan na'ko." Nanlisik ang mata ko nang tumimo sa isip ko na ako na ang pinakamakapangyarihan sa lahat. "B-buhay ako. Buhaay! Ang itim na bato, pinagaling ako ng itim na bato!" Sinundan ko ito ng malakas na tawa na ikinatingin ng dalawang tao sa loob ng sasakyan.