Episode 25: Simula ng Lagim

2367 Words
Ang katawan ko, nakaramdam na ng sobrang panghihina pero ang sigawan; ang mga ungol na malalakas; bakit nakakakilabot ito sa pandinig ko? Pinilit kong imulat ang namimigat kong mata pero naging malabo ang dating ng lahat sa'kin. Para akong sumuong sa isang giyera at napagod ako nang sobra kaya hindi ko maigalaw ang katawan ko. Nakaramdam din ako ng pagkahilo. Parang binugbog ng ilang tao ang katawan ko. "R-Roxy, w-wake up!" Si Mihael, kilalang-kilala ko ang boses nito. Pinilit kong imulat nang pwersahan ang mga mata ko sa kabila ng panghihina ko nang marinig ko ang paulit-ulit na pagtawag nito. R-Roooxy!" "Ugh," yamot kong ungol dahil wala akong lakas. Naramdaman ko ang malamig na bagay na iyon sa aking bibig. "W-wake up, R-Roxy, may umaatakeng mga aswang dito sa loob. Please, w-wake up." May pagmamakaawa sa boses ni Mihael nang yugyugin ako, "G-gumising ka, Roxy!" Isang nakakakilabot na ungol ang biglang pumailinlang sa gawi namin. Sa pagkakataong ito kahit nanghihina ako, hindi ko na pinalampas na gupuin ako ng panghihina ko. Minulat ko nang sapilitan ang mga mata ko. Tumambad ang guwapong mukha ni Mihael na sobrang nag-aalala na habang hawak nito ang isang basong may laman na tubig. Naramdaman ko ang paghila nito sa'kin paupo at ang pagdampi ng baso sa labi ko. "Drink this para mahimasmasan ka, sweety. " "B-best," anas ko. Dahil nanghihina pa rin ako, mas pinili kong sumandal sa pader habang nakaupo. "Ano'ng nangyari sa'kin?" Nakaramdam ako ng panunuyo ng lalamunan kaya muli akong uminum sa tulong na rin ni Mihael. "Roxy, may umaatake sa labas at si 'Tay Densio—" Alumpihit si Mihael nang sabihin ito, "May umatake sa kanya kaya kailanagan n-nating lumabas dito." Natuon ang pansin ko sa nagtatakbuhang tao sa labas ng rehas. Sa pag-alalay ni Mihael, nakalapit ako nang tuluyan dito kasabay ng panlalaki ng mata ko nang biglang huminto ang isang babae. "M-Mulan," mahinang anas ko nang magtama ang tingin namin bago ito tumakbo nang mabilis. "M-Mulaaaan!!" malakas ko nang hiyaw nang makita ko ang dugo sa damit nito. Hindi maaari! Papa'no nakalabas ang mga ito? Ang mga tao rito... nasa panganib silang lahat. Litong-lito akong napatingin kay Mihael nang maramdaman ko ang kamay nitong biglang humawak sa'kin. "Hindi tayo makakalabas dito dahil naka-lock ang labas. May... m-may humablot na lang bigla kay 'Tay Densio k-kanina nang mawalan ka ng malay." Tama. Nawalan ako ng malay nang mandilim ang paligid ko kanina pero bakit? Nangyari lang ito nang maipasa ko na ang bato kay Mihael at ang bestfriend ko, napahawak ako nang mahigpit sa braso niya. Walang nangyaring masama sa kanya. "K-kailangan nating makalabas dito, R-Roxy." Wala na'kong inaksayang sandali nang sumigaw ako nang pagkalakas-lakas," Sisteer... Fatheeer! T-tulungaaan niyo kamii!" Pero walang pumansin sa'kin na sinundan din ng malakas na pagtawag ni Mihael kay 'Tay Densio. Naririnig ko ang sigawan sa labas; ang mga iyak na naghihirap. Diyos ko! Kailangan kong tulungan sila. "P-pakawalan niyo kamiii!" umiiyak kong sigaw habang pilit na niyugyog ang rehas pero wala itong silbi. "Tulooong!" Hindi ko kinakaya ang mga sigaw na naririnig ko sa labas. Kung alam ko lang na ganito ang mangyayari, sana ipinagpaliban muna namin ni 'Tay Densio ang ganitong plano. Sana natulungan ko ang mga kasama ko sa kumbento; sana naprotektahan ko sila. Puro na lang ako sana pero wala rin akong kuwenta. "B-buksan niyo 'to! P-palabasin niyo kami!" malakas kong hiyaw sabay kalampag ng malakas sa rehas na mahigpit kong hawak. "S-Sister! T-tulooong." Sigawan sa labas at ungol ang naririnig ko. Kasunod nito ang ilang putok sa labas na ikinagitla namin. Nang balingan ko si Mihael, nakita ko siyang hawak ang tiyan at nakatingala na sa kisame. Butil-butil ang pawis nito sa noo kasabay ng pamumutla nito. "Aaah, nagca-cramps ang tiyan ko. I d-don't know w-why." Pinalis ni MIhael ang pawis nito sa noo bago ito dahan-dahang umupo sa kama nito," Pabugso-bugso ito kanina pa. Minsan nawawala at bigla na lang maninigas ang tiyan ko nang w-wala ka pang malay." Ang epekto ng itim na bato! Hindi ko na ito napagtuunan ng pansin nang makarinig ako ng sigaw sa labas ng kulungan namin at ang mga yabag na iyon na nagmamadali. Papalapit nang papalapit ito sa gawi namin kaya agad akong nagsisigaw. "Tuloong! Nandito kami!" Nakaupo na'ko hawak s Mihael nang humiga ito bigla. "Please, M-Mihael, may t-tutulong na. Lalabas na t-tayo rito." "Roxy!" Napatayo ako at napatakbo sa rehas na humaharang sa'min nang makita ko ang isang madre," Sister. Ilabas niyo kami rito... si M-Mihael." "R-Roxy! M-Mihael!" Kumalansing ang hawak na bungkos ng susi nang hagilapin ng madre ang susi ng padlock. "D-Diyos ko! M-may bigla na lang u-umatake sa'tin dito sa loob. May ilang p-pulis nang d-dumating para t-tulungan t-tayo pero hindi pa natatagpuan ang s-salarin." Sinundan ito ng malakas na pag-iyak ng babae kaya hindi nito mapasok-pasok ang susi. "S-Sister." Nanginginig ang kamay ko nang agawin ko sa kanya ang susi pero may isang tao ang sumulpot sa gawi namin. "M-Mulan," nautal kong anas nang makita ko ang pinsan ko sa pasilyo. "S-Sister, mag-ingat ka sa kanya. B-baka... baka gawa'n ka niya ng masama." "S-Sister," nakangiting bati ni Mulan na agad nakalapit sa madre. Wari'y nagulat pa ang madre nang mapatingin sa bagong sulpot na dalaga, "M-Mulan, sino ang nagpalabas sa'yo?" "Pinakawalan ako ng isang madre dahil alam kong wala akong ginagawang masama. Sila!" Nakaturo ang kamay ng babae sa gawi namin ni Mihael, "Ang lalaking 'yan, may nabiktima na kaya 'wag niyo palalabasin ang dalawang 'yan." "Sigurado ka, iha? Wala namang iniutos si F-Father sa--" Napaurong ang madre nang lapitan ito lalo ni Mulan. 'S-sigurado siyempre, Sister. Si Roxy ang may tinatago, hindi ako." Naramdaman ko na lang ang mahigpit na paghawak ni Mulan sa kamay ko para pigilan ako sa pagbukas ng padlock. Namula bigla ang mata nito habang nakatalikod ito sa madre matapos nitong kausapin ang huli. Pilit kong tinatanggal ang kamay ni Mulan pero ang lakas ko, naging walang silbi ito sa kaharap ko. Napangisi si Mulan nang ilapit nito ang mukha sa rehas. "D-delikado ang lalaking 'yan, R-Roxy," gigil na anas muli ng babae. "At ikaw, tinutulungan mo siya? May mga pulis sa labas para hulihin siya dahil isa siyang halimaw! Kakuntsaba ka ng lalaking iyan!" Napaawang ang labi ko sa sinabi nito at pilit ko pang hinablot sa kamay nito ang susi pero mabilis itong naiwas ng babae. Nanlaki ang mata ko nang makaramdam ako ng hapdi. Ang kamay ko, may lumalabas na dugo sa sugat ko—mula sa matulis na kuko ni Mulan pero ang babae, matalim ang titig nito sa'kin nang itago nito bigla ang kamay sa likod nito. "Sister, narinig mo ang sinabi ng mga pulis sa labas?" Binalingan ni Mulan ang madreng nanlalaki ang mata, "Natagpuan ang bangkay ng magulang ni Mihael sa likod bahay nila na wakwak ang tiyan. Mamamatay tao ang lalaking 'yan!" Sa sobra kong galit, malakas kong hinampas ang rehas na bakal. Nakakaramdam pa rin ako ng panghihina sa hindi ko malamang kadahilanan pero pinilit kong pantayan ang bangis sa mukha ni Mulan. Hindi man ako nagbagong anyo dahil kaharap namin ang madre, punong-puno ng galit ang mukha ko nang titigan ko ang nanlilisik na mata ng pinsan ko. Papa'no nakalabas ang babae mula sa kulungan nito? Paano? Napatingin ako bigla kay Mihael nang mapaungol ito nang mahina. "S-Sister, kailangan ni Mihael ng t-tulong. Si 'Tay Densio, nasa'n na siya? Dalhin niyo siya rito! Kailangan ko siya!" Naghe-hysterical na'ko nang 'di ko makita ang matanda. "Si 'Tay Densio ang kailangan ko!" Nasagot ang katanungan ko nang sumulpot ang ilang kapulisan kung sa'n kami naroroon. Hindi ko maintindihan ang nangyayari dahil kanina, nakita kong duguan ang damit ni Mulan nang mapadaan ito sa gawi ko pero ang linis na ng babae ngayon. Napabalik ako sa kinaroroonan ni Mihael. Dumampi ang kamay ko sa braso niya pero mainit ang katawan nito na labis kong kinaalala. "P-please, tulungan niyo po si Mihael," naiiyak kong sigaw. Narinig ko ang pag-ingit ng pinto ng kulungan pero nakatutok ang atensyon ko kay Mihael. Panay ang haplos ko sa braso niyang inaapoy ng lagnat. Mahina lang itong umuungol nang muli kong tunghayan. Naiyak na'ko nang yakapin ko siya pero nagulat na lang ako nang may malabakal na kamay na ang biglang humila sa'kin patayo. "Kami na ang bahala sa kanya, Miss. Kailangan namin siyang dalhin sa presinto pagkatapos namin siyang mapatingnan sa doktor. Kailangang managot ang kaibigan sa g-ginawa niya sa pamilya niya." Napatingin ako sa nagsalitang pulis na siyang naglagay din ng posas sa kamay ng nakapikit na nobyo ko. Agad kong nahawakan ang kamay ng pulis nang may pagtataka. "Bakit h-ho?" nanginginig ang labi ko sa nerbyos nang pilit pa nitong itayo si Mihael sa kabila ng masamang pakiramdam nito. "W-Walang kasalanan si Mihael, biktima lang siya. A-ano bang p-pinagsasabi niyo?" Napasigaw na'ko nang kaladkarin nito si Mihael palabas ng kulungan. "Huwag, p-please." Si Sister ang pumigil sa'kin nang tangka kong pigilan ang ginagawa ng mga pulis. Nag-iiyak na'ko. Walang alam ang mga pulis na ito kung ano ang totoong kalagayan ni Mihael. Wala silang alam sa lahat... "Iha," anas ni Sister. "Nakita sa CCTV nang may isang taong kinagat si Mihael sa daan kaya siya hinuhuli ng mga pulis. Kagaya ng mga nangyari sa ibang b-biktima—" Napasinok ang madre kasabay ng pagpunas ng luha nito. "Pinakita iyon sa amin ng mga pulis sa opisina ni Father. May awa ang Panginoon, ililigtas niya si Mihael. Alam kong may pinagdadaanan lamang ang binata." "May kasalanan sa batas ang taong 'to," seryosong saad ng pulis patungkol kay Mihael. "Kaya kailangan niyang panagutan ang ginawa niya. Natagpuang patay ang katawan ng lalaking nabiktima niya sa isang—" "H-hindi!" malakas kong sigaw. "Walang kasalanan si Mihael dahil biktima lang din siya! Mihaeeel!" muli kong hiyaw nang pagtulungang dalhin ng mga pulis ang nobyo ko palabas ng pasilyo. "Sandali lang h-ho, makinig kayo sa'kin." Sa labas kami ng kumbento humantong sa pagsunod ko sa mga ito. Panay pa rin ang hila ko sa kamay ng mga pulis para tanggalin ng mga ito ang pagkakahawak sa mahal ko pero sa inis ng isang pulis, mahigpit ako nitong hinawakan sa balikat. "Station 3, do'n mo siya puntahan bukas, iha. Kailangan mong t-tanggapin 'to na isang h-halimaw ang taong 'to," mariing sambit ng pulis. Nagtagis pa ang bagang nito nang bitawan ako. "Nawawala rin ang magulang niya at kung siya ang pumatay sa mga iyon, habangbuhay ang pagkakabilanggo niya o—" Tumalim ang pagkakatitig ng pulis sa'kin, "Sa utos ng gobyerno, pinapapatay ang lahat ng halimaw na nananalakay dito sa'tin." Sinabayan ito ng talikod ng pulis pero humabol ako. Nakita ko pa ang namumungay na mata ni Mihael nang magsalubong ang mga mata namin. "R-Roxy, I-I love y-you," mahinang sambit ni Mihael. "I-m s-so sorry." Biglang nagsara ang bintana sa gawi nito kaya pinukpok ko ito pero kaybilis ng pangyayari nang matagpuan ko ang sarili kong tumatakbo habol ang police mobile car ng mga ito. "M-Mihael," malakas kong palahaw. "I-ibalik niyo si Mihael!" Sa utos ng gobyerno, pinapapatay ang lahat ng halimaw na nananalakay dito sa'tin-paulit-ulit itong umuukilkil sa utak ko kaya wala akong inaksayang sandali nang pilit pa'kong humabol hanggang bumagsak ako sa lupa. "M-Mihaeeel!" Kasabay ng pagtangis ko ang paninikip ng dibdib ko na sinundan ng panghihina ko. "G-gagawin ko ang lahat para makalaya ka. W-wala kang k-kasalanan. Walaaaa!" Nabasa ng luha ang kinalulugmukan ng mukha ko nang muling manlabo ang paningin ko. Isang mapagpalang kamay ang naramdaman kong umangat sa'kin at nag-aalalang mukha ni Father. "Iha, susunod tayo kay Mihael pero sa ngayon, may ilang namatay sa loob kaya kailangan muna nating i-secure ang lahat. Pumasok muna tayo—" Bigla kong pinalis ang kamay ni Father nang mapatingin ako sa daan kung saan dumaan ang sasakyang nagdala kay Mihael. Pinilit kong tumayo nang dahan-dahan kaya muling umalalay si Father. Sinabayan ko ito ng malakas na pag-iyak ko. "R-Roxy," galit na turan ng pari. "Huwag matigas ang ulo. Pumasok tayo sa loob muna at mag-usap. Susunod agad tayo sa mga pulis para ma-explain ang nangyari. Hindi nila sasaktan si Mihael." Napailing-iling ako nang sunod-sunod. Pinilit kong umamot ng lakas kay Father nang maging mabuway ang pagkakatayo ko. Agad namang umalalay ang pari at isang kamay pa ang humawak sa'kin, ang pamangkin ni 'Tay Densio na isa ring madre. Naalala ko bigla ang matanda kaya muli akong nag-alala. "Sister, si 'Tay Densio, nasa'n s-siya?" "Nasa loob, iha," anas ng madre. "S-sugatan siya pero mas pinili niyang mamalagi sa loob para makatulong sa problema. Pumasok na tayo. Kanina ka pa niya hinahanap." Gulong-gulo ako sa mga nangyayari. Paano nakalabas si Mulan? "M-Mulan." Natigilan ako at napahinto sa paghakbang ko nang makita ko sa b****a ng kumbento ang babae. Para isa itong maamong tupa na alalang-alala ang mukha. "Hindi, Father," umiiyak kong saad nang humawak ako sa braso ng matanda. "Delikado siya. B-bakit niyo siya pinakawalan?" Puno ng pagtataka ang mukha ng pari nang bumaling sa'kin. "Pinsan mo siya, R-Roxy. Papa'nong magiging delikado kung isa siya sa tumulong para mapatay ang ilang aswang na nahalo sa atin? Wala akong inutos na ilabas ang pinsan mo pero hindi na mahalaga iyon. Nailabas na ang ilang bangkay." Lumungkot ang mukha ng pari nang masabi ito. "Ilang buhay na naman ang nasawi." Sumakit ang dibdib ko nang madako naman ang mata ko sa ilang sasakyan na may ilang staff. Abala ang mga ito sa pag-akyat sa mga bangkay na natatakpan ng berdeng kumot. Naiyak na naman ako nang mapagtanto kong ilang kabataan ito na kasamahan ko at ang ilang madre ng kumbento. "Sumosobra na s-sila," gigil kong anas kasabay ng matatalim kong sulyap kay Mulan. "Sumosobra na ang mga a-aswang." Nanlisik ang mata ko nang tuluyang makalapit si Mulan sa amin. May pag-aalalang hinawakan ni Mulan ang kamay ko, "Ok ka lang ba, p-pinsan?" naluluhang anas ng babae kasabay ng pagyakap nito pero tinulak ko siya kaya may pagtatanong ang mga mata nito. "R-Roxy, ang dalawa nating pamangkin, wala na sila, R-Roxy. Pinatay sila ng mga a-aswang." Sinundan ito ng malakas na pag-iyak ni Mulan. Nakita ko ang pagyugyog ng balikat nito pero hindi ko makapa ang simpatya sa kanya. Isang huwad na tao si Mulan. Isang aswang.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD