Episode 24: Huling Lunas

3165 Words
Umawang lang ang labi ni Father nang bigla kong talunin ang susi na nakasabit sa wall ng opisina nito kasama ang iba pang susi na nakahilera. "Ito lang ang kailangan ko para makapasok ako sa loob, Father." Hindi ko na hinintay pang makasagot si Father nang mabilis akong tumakbo pabalik kina 'Tay Densio at Mihael. "Mihael," hangos kong tawag sa kanya nang makita kong nakayukyok na siya sa gilid ng kama nito. "W-wait, best." Taranta kong sambit nang may pagmamadali kong buksan ang kinaroroonan nito matapos kong buksan. "Mihael." Yakap ko na ang lalaki nang igiya ko siya sa loob ng banyo. Pumasok na rin si 'Tay Densio nang malingunan ko. "Ang i-init ng tiyan ko, Roxy," hirap na saad ni Mihael. "N-nanghihina ako sobra at... at—" Napaduwal na ang lalaki nang bigla nitong itakip sa bibig nito ang kamay. Nakahinga ako nang maluwag nang makapasok na kami sa banyo bago siya nagsuka sa bowl. Nanlalaki ang mata kong hinagod ang likod niya. Itim ang isinusuka ng lalaki na labis kong ikinatakot at ang amoy ng nilalabas nito sa bunganga, napakasangsang. "Ahh, fuuck!" hirap na hiyaw ni Mihael bago muling dumuwal. "Umiinit ang k-katawan ko, R-Roxy." "Tay Densio!" malakas kong sigaw para saklolohan ako ng matanda. "Please, tulungan niyo k-kami." Nakatayo lamang ang matanda sa b****a ng banyo at nakatingin sa'min. "Iha, normal lang 'yan dahil mapait at nakakasuka ang dagta ng halaman. M-magiging ok din siya." Tigmak sa luha si Mihael nang mapatingin sa'kin dahil sa kakaduwal at pagsuka nito. Panay naman ang himas ko at p****k nang mahina sa likod niya. Kahit ako, naduduwal din sa naaamoy ko kaya tuwing may isusuka ang lalaki, agad kong pina-flash ito. Grabe! Kahit naman na-flash ko na nang sunod-sunod, naiiwan pa rin ang malakas na amoy ng sinuka nito. "Pahigain mo muna siya, R-Roxy," singit ng matanda nang alalayan din nito si Mihael sa paglabas sa banyo. Nasa kabilang side ako ni Mihael nang akayin ko siya papunta sa higaan niya. Buo-buo ang pawis niya sa noo kaya labis ang pag-aalala ko nang bigla pa itong mamutla matapos namin siyang maihiga. "Tay Densio, may kukunin lamang ako." Akma akong lalabas nang hawakan ako ng matanda. "Kailangan ko ng tubig na maiinum at pamunas niya. Sabon at brush para malinisan ko ang banyo." "Ako na." Nakangiting boluntaryo ng matanda. "Pero, iha, kailangan kong i-lock ang pinto niya para hindi makawala si Mihael kung gusto mong bantayan siya diyan. Para hindi siya makatakas." Labis ang pagtataka ko nang tingnan ko si 'Tay Densio pero tumango lang ako. Napailing ako nang sundan ko siya ng tingin. Totoo ngang ni-lock ng matanda ang nilabasan nito. Ok lang sa'kin, ang importante, hindi makapambiktima si Mihael pero umaasa akong maging epektibo ang dagtang magpapagaling sa kanya. Nawala sa paningin ko si 'Tay Densio ilang sandali pa pero napatayo ako nang mapatingin ako kay Mihael. "R-Rooxy! T-tulungan mo'ko!" Ang mata ng lalaki, namumula na ito at naluluha, "B-bakit ganito?" hirap na saad nito nang maglabasan ang ugat nito sa buong katawan. Nanlaki ang mata ko nang makita ko ito kaya napatakbo ako sa rehas sabay sigaw nang malakas, "Tay Deensiooo!" Hindi ko maintindihan kung ano'ng nangyayari kay Mihael. Bakit mukhang lumala lang ang kondisyon nito sa binigay ng matanda? Panay ang sigaw ko nang makita kong nanginging na si Mihael matapos ko siyang lapitan. Napalapit na naman ako sa rehas para kalampagin ito. Siya namang sulpot ni 'Tay Densio na hawak na ang mga ni-request ko. "R-Roxy—" anas ng matanda nang makita nito ang pagtayo ni Mihael lalo na nang mapansin nito ang ugat sa katawan ng lalaki. "M-mukhang hindi e-epektibo ang dagta kay M-Mihael. Ang mga ugat na naglalabasan sa kanya—nanunuot na sa sistema niya ang pinasok ng mga aswang sa katawan niya." Namilog ang mata ko nang maramdaman ko ang mainit na katawan ni Mihael na nakayakap na sa likod ko. Nasundan ko ito ng malakas na pagsigaw nang maramdaman ang biglang pagkagat nito sa balikat ko. "Mihaeel!" Napahawak ako sa ulo ng lalaking umuungol at mukhang hayok na hayok sa laman ko. "Ano ba, Mihael! 'Tay Densio, tulooong!" Naramdaman ko ang sakit kaya ang ginawa ko, nasabunutan ko bigla ang ulo niya kasabay ng paghila ng kamay ni 'Tay Densio kay Mihael nang lumusot ang kamay ng matanda sa rehas na bakal. "Roxy, hindi umepekto ang dagta," anas ng matanda sa'kin nang magtagumpay itong mailayo si Mihael. "Kailangan nating bilisan hangga't hindi pa nalalaman ng lahat kung ano ka. Nasa 'yo ang bato kaya kailngan mong t-tulungan ang kaibigan mo." Inis kong tinulak si Mihael sa kama nito nang wari'y magising ito sa ginawa niya sa'kin. Nanlaki ang mata ko nang dilaan pa ng lalaki ang gilid ng labi nito para sairin ang dugong natikman nito mula sa'kin. "D-Diyos ko! 'Tay Densio, ano bang nangyayari sa kanya?" galit kong sigaw sa matanda. "Ba't nag-transform na naman siya sa ganyan? Akala ko ba—" Nakatitig lamang ang matanda kay Mihael at nang makita nitong bigla na lang humiga ang binata sa kama, sumenyas ito sa'kin na lumabas na'ko. Ininda ko ang sakit ng balikat ko. Maliit lang naman ang sugat pero pakiramdam ko, buong katawan ko ang may kagat. Nang sagupain ko ang mga aswang sa bayang inalisan namin ni 'Tay Densio, hindi ako nakaramdam ng sakit dahil nasa katawan ako ng pagiging aswang ko pero ngayong nasa katawang tao ako, may epekto pala sa'kin kahit simpleng kagat lang. Ang layo nito sa bituka pero ang sakit sobra dahil dumugo na ito. "Nakita mo, iha, h-hindi tumalab ang nainum niya bagkus, mas nilabas lang nito kung ano talaga si Mihael. Iyan ang isa pang nagagawa ng dagta; ang pagalingin ka o ilabas ang pagiging halimaw ng nakainum kung hindi ito gumaling nang tuluyan. Tama nga si Tatang! Halika." Akmang hahawakan ng matanda ang kamay ko pero pinalis ko lang ito. "Roxy, may sasabihin ako sa'yo." Masama ang loob ko kay 'Tay Densio, 'di man lang niya ako naabisuhan na posibleng ganito ang gagawin ni Mihael. Inis akong naupo sa silyang katapat ng kulungan ni Mihael. Nakabaluktot lang ang lalaki sa pagkakahiga at hindi na ito gumalaw pa. "Makakaramdam siya ng panghihina pero sa ginawa niya sa'yo, hindi talaga umepekto ang dagta. Ang pangalawang solusyon, ang batong itim, R-Roxy. Sa ngayon, mag-ingat ka kay Mihael kapag kasama mo s-siya hangga't hindi siya bumabalik sa kung ano siya noon." Nakatingin lamang ako kay Mihael. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko sa matandang lalaki. Kung ganitong nasa normal si Mihael at nagawa akong saktan, mas siguradong makakapanakit pa ito ng iba oras na mapasakamay nito ang batong itim na nagbibigay ng kakaibang kapangyarihan sa'kin pero kailangan nito ng tulong ko. "Hindi ka naaapektuhan sa bawang at asin; na isa sa kinatatakutan ng mga aswang," muling saad ng matanda nang tumabi na ito ng upo. "Akina't gagamutin ko 'yang balikat mo." "Tay Densio." Inis akong bumuntong-hininga. "Eversince, kumakain na'ko ng mga pagkain na may sangkap ng asin at bawang. Ano bang p-pinagsasabi mo... aah." Naramdaman ko ang pagdampi ng tela sa balikat ko nang dampian ito ng kung ano ng matanda. "Mga sinaunang paniniwala lamang 'yang pinagsasabi mo." Pero bakit si Mulan at ang dalawang bata, takot ang mga ito sa sinaboy ng matanda? "Posibleng—" Nabitin sa ere ang sasabihin nito nang makita nitong nakatayo na si Mihael. "Iho, a-anong p-pakiramdam mo?" Kahit ako, napatingin na kay Mihael. Ang dami nang nabago sa sitwasyon namin. Seryoso lamang ang mukha ng lalaki nang mapatingin sa'kin. "Roxy, I'm s-sorry. Hindi ko n-napigilan." Nakatayo na rin ang matanda sa tapat ni Mihael at may pinag-usapan ang mga ito. Ang weird! Bakit ganito na si Mihael? Nanghihina ito kanina pero bakit ngayon naman, mukhang ok na ulit ito. Sumasakit ang ulo ko sa huling sinabi ng matanda; ang ukol sa batong itim. "M-mainit ang pakiramdam ko, 'Tay Densio. Nagugutom ako. P-para 'kong l-lalagnatin ngayon." Naging malat na ang boses nito ilang sandali pa, "R-Roxy, pakidalhan naman ako ng pagkain." Kailangan ko ring lapatan ng lunas ang sugat ko kaya tumayo na lang ako. Hatid ako ng tanaw ng dalawang lalaki nang mapahinto ako dahil sa pagtawag ni 'Tay Densio. "Ang batong itim, iha. Kailangan mong iluwa at ipalunok kay Mihael para tuluyan na siyang gumaling. Ilalabas ng batong itim ang lahat sa katawan niya dahil hindi aswang ang nobyo mo." Nakatitig lamang sa'kin ang matanda matapos iyong sabihin bago ito ngumiti. "Para sa kagalingan niya; kung mapansin mo sa loob ng isang oras ang pagiging balisa ni Mihael, isa lang ang ibig sabihin no'n, Roxy. Hindi pa siya magaling. Nasa ugat na ng kaibigan mo ang laway ng mga aswang; tuluyan nang humalo sa sistema niya ang makamandag nilang laway." Tinalikuran ko si 'Tay Densio nang hindi ito sinasagot. Magulo ang isip ko sa posibleng magigin epekto ng bato kay Mihael. Ang hirap makipagsapalaran. Paano kung hindi maging epektibo ang bato? Paglangitngit ng bakal na pinto ang nagpagising sa lumilipad kong diwa. Napasandig ako rito at napapikit nang mariin. "M-Mihael," naiiyak kong anas, "malalagpasan din natin 'to, mahal. M-may awa ang Diyos." Nanghihina akong dumeretso sa isang kwartong ginawa nang stock room. Kinuha ko agad ang medical kit para gamutin ang sarili ko. Nang magawa kong takpan ng gauze ang sugat ko, umalis na rin ako para pumunta ng kusina. Nagugutom si Mihael pero pa'no kung iba ang gusto nito? Para itong isang hayok na halimaw na handang pumatay para lang makakain. "R-Roxy," bati ng isang madre. Napatingin ito sa bakas ng dugo sa damit ko; nasa bandang balikat ko ito pero agad kong tinakpan ito ng mahaba kong buhok. "Ano'ng nangyari sa'yo?" "Aah, wala ho, Sister. Kailangan ko ng pagkain para kay Mihael—" "At sa mga pinsan mo rin, iha," dugtong ng madre. "Hatiran mo sila ng pagkain." Napatiim-bagang ako nang tahakin ko ang pasilyo papunta sa kinaroroonan nina Mulan at ng dalawang bata. Nasa kabilang panig ito malayo kay Mihael. Sinadya talaga itong hindi pagsamahin ayon kay Father dahil iba ang kaso ni Mihael. Matatalim na sulyap ng mga pinsan ko ang sumalubong sa'kin nang tuluyan akong makarating sa kulungan nila. "Para kaming mga kriminal, m-mga walang karapatang mabuhay," punong-puno ng galit ang mukha ni Mulan nang salubungin ko ang tingin niya. "Pagsisisihan mo ang lahat ng ito, R-Roxy!" Napatingin ako sa pader. May bago nang nakakabit na camera sa harap mismo ng kulungan ng mga ito. Akala ko bukas pa aayusin ang mga ito. Tanging sa kulungan ni Mihael pala ang hindi pa napapalitan. Mas pinili ko lamang manahimik nang ilagay ko sa harap ng mga ito ang pagkain. Pinalusot ko lamang ito sa rehas dahil maliit na mangkok lamang ang mapapasok ko at nakasupot lamang ang mga pagkain kaya 'di na kailangang buksan ang kulungan ng mga ito. Delikado si Mulan at hindi dapat pagkatiwalaan. "Ikaw ang unang papatayin ko, Roxy, oras na makalabas kami rito!" mariing sambit ni Mulan muli bago ito tumingin sa camera," Malalaman ng lahat kung ano ka—na isa kang aswang at itatakwil ka nila." Na labis kong kinatatakutan! Napatingin din ako sa camera. Ngayon pa lang, nangangamba na'kong marinig nila ang sinasabi ni Mulan. Napalingon ako kay Mulan nang akmang tatalikuran ko na sana sila. Tahimik lamang ang dalawang bata sa tabi nito pero matatalim ang mga titig nito sa'kin. Inirapan ko si Mulan nang ngisihan ako nito bigla. Mas makapangyarihan ako kaysa sa kanila at walang sinuman ang makakatalo sa'kin. Nagmartsa na'ko palabas dahil hindi ko maramdaman ang pagiging magkadugo namin. Masyado itong tuso at mapaglinlang. Nakita ko pa nang kainin nila ang hinatid ko pero isang ngisi muli ang binigay ng babae nang mahuli ako nitong nakatingin. Muli akong bumalik sa kabilang kulungan kung nasa'n si Mihael. "Iha, pakainin mo muna si Mihael bago natin simulan ang pangalawang plano," bungad ni 'Tay Densio. Mas pinili kong pumasok sa kulungan ni Mihael dahil nakahiga na naman ito. Kaya ko bang ibigay sa kanya ang batong itim? "M-Mihael?" pukaw ko sa kanya pero hindi ito kumibo habang nakatalikod sa'kin. Nakaharap ito sa pader ng kinahihigaan nito pero alam kong gising ang lalaki, "K-kumain ka na, best, dahil may gagawin ulit si 'Tay Densio. Kailangan mong gumaling para makalabas ka na rito." "Hindi ako eksperto sa panggagamot pero tinuro lamang ito ni Tatang nang buhay pa siya." singit ng matandang lalaki, "Pero hindi ko pa ito nasusubukang gawin kahit kanino, Roxy." Nakakainis mang isipin, alam kong ang bato ang tinutukoy ng matanda. "Best," mahinang tawag ko kay Mihael. "Kailangan mong tulungan ang s-sarili mo." Pumiyok ang boses ko nang lingunin ako nito. Naging mabangis ang mukha nito nang umupo ito bigla sa kama nito. Nakaupo rin ako at magkaharap na kaming dalawa. Mata sa mata. Inaarok ko ang saloobin ng mahal ko pero puno ng galit ang mukha nito nang masdan ko. "I'm trying, Roxy, na pigilin ang s-sarili ko pero look at you, nasaktan kita." Punong-puno ng pagsisisi ang mukha ng binata nang bigla nitong hawakan ang braso ko. "Hindi ko mapigil ang urge ko na manakit. Sinusubukan kong kontrolin pero hindi ko—" "May paraan pa, Mihael," pinal kong saad. "Ang batong itim." Nagsalubong ang makakapal nitong kilay nang titigan ako. Huminga ako nang malalim at nang imulat ko ang mata ko, naging maamo na ang mukha nito. Puno ng pagmamahal. Pinaghahawakan ko ang pag-asang nakikita ko sa mga mata niya. "Sabi ni 'Tay Densio, ang batong nasa katawan ko ang lunas para tuluyan ka nang gumaling." Nawala na ang mga ugat na naglabasan kanina sa katawan nito kaya nabawasan ang pag-aalala ko. Mali ito pero mas nanaig ang pagmamahal ko sa pagkakataong ito. Nang tingnan ko si 'Tay Densio, nai-lock na nitong muli ang kulungang pinasukan ko. "Naniniguro lang ako na walang masasaktan oras na mapasakamay na ni Mihael ang bato. Hindi ko a-alam kung ano ang kahihinatnan niya dahil unang beses itong magamit sa katawan ng tao, hindi sa katawan ng aswang." Kung maririnig man ng sinuman ang sinasabi ni 'Tay Densio, siguradong mapapalayas ako sa kumbentong ito pero bukas pa mapapalitan ang camera sa area ni Mihael. Alam kong may katotohanan ang sinabi ni Mulan; na hindi magtatagal at malalamn din ng lahat ang sekreto ko. 'Yon ang iniiwasan kong mangyari. Matiim akong napatitig kay Mihael. Hindi ko pa ito nagagawa pero inisip ko na lang si Nanay; kung pa'no nito nilabas sa bunganga nito ang itim na bato. Gusto kong mag-practise kung kaya kong ilabas ang bato. Ilabas mo, Roxy—hiyaw ng utak ko nang mapapikit ako nang mariin kasabay ng pagduwal ko. Nanlaki ang mata ko nang humaba ang dila ko. Kaya palang ilabas ng katawan ko ang bato nang kusa at walang kahirap-hirap. Nakokontrol ko ito. Nakita ko kung pa'no kuminang ang mata ni Mihael nang simulan nitong kainin ang dala kong pagkain kasabay ng pagkinang ng batong itim na isasalin ko sa kanya mamaya. Halos maduling pa nga ako nang tingnan ko ang dulo ng dila ko kung nasa'n ang bato. Ba't ganun? Wala man lang kahirap-hirap nang ilabas ko ito sa kabila ng paglunok ko rito noon. "Ipalunok mo 'yan sa kanya, Roxy. Baka manghina si Mihael oras na pumasok sa katawan niya 'yan. Kusang ilalabas ng katawan niya 'yan kapag nawala na ang lahat ng bagay na pinasok ng mga aswang sa katawan niya." Nakangiti si 'Tay Densio sa'kin nang sabihin niya ito. Pinapalubag ng matanda ang isip ko dahil ngayon pa lang, talagang nangangamba na'ko kung ano ang magiging resulta ng gagawin namin na ito. Una lang ang pag-aatubili ko pero nang kagatin ako ni Mihael, desidido na'kong ipagamit sa kanya pansamantala ang bato para sa ikagagaling niya. Mas pinili ko lamang sumiksik sa sulok habang nakatingin kay Mihael matapos kong lunukin muli ang bato. "R-Roxy, masama ang pakiramdam ko. Gusto ko ng ibang putahe... natatakam ako sa—" Natigilan ang lalaki at pagod na sumandal sa pader. "Tao ang gusto ko," balisang anas nito. "Hindi ako nabubusog sa g-ganito. H-help me, please. Sawang-sawa na'ko sa pagkaing ganito." Minsan, para na'kong nawawalan ng pag-asa pero kumakapit pa rin ako. Namamasa ang mata ko nang umusog ang lalaki at yakapin ako. Isang oras ang palilipasin ko bago ko sa kanya isasalin ang bato. Nasa ganoong ayos lang kami hanggang pukawin ako ni 'Tay Densio. "Oras na, Roxy." Saad ng matanda. "Gawin mo na. Lagpas isang oras ko nang pinagmamasdan si Mihael pero walang nabago sa kanya." Malungkot na tumingin si Mihael sa'kin. "I-Im sorry, Roxy. Nahihirapan na rin ako sa sitwasyon kong 'to. Gusto ko nang g-gumaling. Minsan, parang 'di ko na rin kilala ang sarili ko dahil sa epekto ng ginawa ng mga halimaw na iyon." Saglit na huminto si Mihael nang haplusin nito ang buhok ko at itaas ang baba ko. "Gumaling man ako, hindi na buo ang pagkatao ko. Kahit ang pamilya ko, p-pinatay ko rin sila dahil kahit tao ako, naging halimaw ako." Napailing nang sunod-sunod ang lalaki sabay yuko nang tumulo ang luha nito. "Gumaling man ako pagkatapos nito, hungkag pa rin ang buhay ko at hindi na'ko magiging buo. Ikaw na lang ang nag-iisang karamay ko at ang mahalagang tao na handa kong pag-alayan ng buhay ko." Hindi ko mapigil ang sarili ko nang yumakap na rin ako sa kanya. Sa narinig ko, parang sinampal ako sa katotohanang napakahina ko. Dapat hindi ako gumive up dahil sa akin nakasalalay ang kaligtasan ng lahat. "H-hindi ako makakain nang maayos dahil walang lasa ang pagkain. Isalin mo na sa'kin ang bato, Roxy," anas ni Mihael sa punong tenga ko. "It's time, love. Matatapos din 'to." Bumaba ang mukha nito nang kintalan ako nito ng halik sa labi. "Isalin mo na sa'kin, R-Roxy." Pinatatag ko ang sarili ko nang marinig ito kasabay ng pagpikit ko. Kasabay ng pagngiti ni Mihael, ang pagbuka ng labi ko. Ang itim na itim na bato, kumikinang ito nang mailabas ko sa bunganga ko. Nasa dulo ito ng dila ko nang bigla na lang itong humaba. Nakita ko ang pagbuka ng bunganga ni Mihael para salubungin ito. Tinambol nang malakas ang dibdib ko nang papalapit na nang papalapit sa bibig nito ang bato. "Go, R-Roxy," anas ni Mihael. Gabayan mo'ko, Lord—mahinang dasal ko kasabay ng pagsalin nito sa bibig ni Mihael. Nakita ko ang pag-aatubili sa mukha ni Mihael pero nilunok din ito ng lalaki. "Aaah, s**t!" anas ni Mihael nang magtagumpay itong malunok ang sinalin ko. "Whoaa! Ang pait pala ng lasa nito, Roxy. Hayan, nalunok ko na, eh, 'Tay Densio." Napatingin naman sa matanda ang lalaki. "Ba't ganun? May epekto ba 'to? Wala naman akong nararamdamang kakaiba sa katawan ko." May epekto ba 'to? Ang umaalingawngaw na boses ni Mihael ang naririnig ko nang paulit-ulit. Meron nga ba? Naging malabo ang tingin ko bigla kay Mihael pero pinilit kong lakihan ang mata ko kahit pa namimigat sobra ang talukap ng mata ko. Mihael—gusto kong isigaw pero hindi na ito lumabas sa bibig ko nang lamunin ako ng dilim.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD