Naulit pa nang ulit na may mangyari sa amin ni Chaeus. Hindi na sa kung saan kung hindi sa hotel na namin iyon madalas na ginagawa para aniya ay bwelo raw kaming dalawa. Isa, dalawa, hanggang tatlong beses na matapos naming gawin iyon ay dinadapuan ako ng matinding lagnat. Sadyang hindi talaga kaya pa ng katawan kong e-handle ang sakit pero gustong-gusto namang gawin. Noong huling beses ay hindi ko na nagawa pang makatakas kay Daddy. Nagtataka na ito na once a week o kada weekend ay may lagnat ako. Kahit sabihin ko na normal lang iyon dahil nararanasan din ng mga friends ko ay hindi na siya naniniwala pa rito. Hindi ko naman siya masisi, ito kasing si Chaeus baliw na baliw sa akin. Sa halip na once a month lang naming gagawin iyon, ang nangyari ay naging every weekend ang ganap. Pilit na

