“Final decision na ba talaga, Hilary? Ayaw mong sumama mamaya?” hindi ko na mabilang kung pang-ilang beses na tanong iyon ni Josefa. Morning class lang kami ngayon at half day lang din dahil sa quarterly exam. Nag-aaya lang naman silang gumala raw kami sa mall bilang treat sa stress naming mga braincells. Ngunit may iba na akong plano, I mean kaming dalawa ni Chaeus. Pupunta ako sa resto to celebrate our monthsarry today. Hindi ko naman sila maaya dahil wala naman silang alam. Napagkasunduan na namin ito bago pa man mag-start ang week. And bringing them with me is a bit weird, dapat alam din iyon ni Chaeus. “Sa sunod na lang siguro. Kayo na lang muna. May iba akong lakad.” “Ibang lakad? Saan? Si Glyzel nga na may jowa sasama sa amin. Ano mo ba kami? Bigyan mo kami ng time. Ang tagal

