Dumating na naman ang araw ng day-off ni Losang, wala siyang gala ngayon. Pero maaga siyang nagising dahil magja-jogging siya. Tulog mantika pa sina Madi kaya hindi na niya niyaya pa anng mga ito. "Ang aga mo ha," sabi ni Mang Jose nang mapadaan siya sa malaking gate. Sumaludo siya dito at ngumiti. "Kailangan ko pong mag Jogging, medyo tumataba na ako eh," aniya na natatawa. Tumango ang matanda sa kanya at ngumiti. Nilampasan na niya ito at nagsimula na siya sa marahang pagtakbo. Alas singko pa lamang ng umaga at totoong napaaga ang gising niya. Hindi pa man siya nakakalayo sa mansion nang maramdaman niyang tila may tahimik na sumusunod sa kanya. Agad siyang napalingon para lamang makita si Yuel iyon. Napatigil siya at nameywang. Natigilan din sa pagtakbo si Yuel at mataman lamang naka

