"Oh Losang, nasa sa'yo na pala si Pogo." Iyon ang bungad ni Madi nang makapasok siya sa kusina. "Isinauli na ni Sir Kumag," tipid niyang sabi. Nagkatinginan sina Deth, Madi at Manang Rosa. "Ayaw niyo pa kasing maniwala sa akin nasa kanya si Pogo." Iniangat niya ang pagong at hinalikan pa. "Talaga? Siya ang kumuha?" Hindi makapaniwalang bulalas ni Deth. "Mismo!" Sabi niya habang patango-tango pa. Pagkaraan ay lumapit sa umpukan ng mga ito at may ibinulong. "Alam niyo ba, napaka weird ng Amo niyo. Kasi ba naman nakikipagbati sa akin?" Sabi niya sa mga ito. Nanlaki ang mga mata ng tatlo. "Talaga? Siya ang nagpakumbaba?" Ani Madi na halatang hindi makapaniwala. "Yes." Then she flipped her hair. "Ganda ko noh?" Proud pang sabi niya. Napangiwi ang tatlo. "Pero hindi ako ganoon kabob

