"Ano ba ang nakain mo, at naka make up ka ngayon?" Usisa pa ni Manang Rosa kay Losang. Nakita ni Yuel ang pag-ngisi ng kanilang hardinera. Gusto niyang mangilabot. "Wala lang po Manang. Masaya lang ako ngayon." Tsaka siya tinapunan ng masamang tingin ni Losang. "Pero mukhang masisira dahil sa isang surot, " anito sabay ismid pa sa kanya. "Surot? Sinong surot? " Apila ni Yuel dito. Nagkibit balikat lang ang dalaga. "Ewan sa'yo. Hindi naman pwedeng si Manang Rosa." "Aba ay huwag niyo akong masali-sali sa pinag uusapan niyo. Diyan na nga kayo at kami ay magluluto pa, " ani Manang at umalis na. Muli ay naiwan na naman silang dalawa ng Alien. Humigop siya sa kanyang kape. Habang si Losang naman ay ipinagpatuloy ang ginagawa. Pakanta kanta pa ito at totoong nakakarindi sa tenga. "Will yo

