Kinabukasan, Day off ni Losang. Kasalukuyan niyang inaayos ang buhok at sumbrero nang mga oras na iyon. Balak niyang mamasyal since naiinip na siya, may sariling lakad si Madi. Baka makikipagkita sa jowa niya. Nang makuntento ang dalaga sa hitsura ay tinungo na niya ang pintuan. Para lamang magulantang nang makita ang nasa labas ng pinto. Nakapamulsa at tila talagang hinihintay siya. Bihis na bihis ito. "Yuel.." gulat na sabi niya. Ngumiti ito. Nagulantang siya nang bigla nitong hinila ang kamay niya. "Come with me," sabi nito habang hila hila siya. "Oy, oy! Teka lang baka madapa ako. Saan ba tayo pupunta? May lakad ako eh," aniya na nagkanda utal. "Kalimutan mo na ang lakad mo. Lakad natin ang isipin mo." "Ano? Teka, ayoko. May pupuntahan ako." Pero tila walang narinig ang binata.

