Napapadyak na sunod sunod si Losang dahil sa inis kay Kaji. Ni-lock siya nito kasama si Yuel sa iisang kwarto! Ang lakas ng trip nito. Iginala niya ang paningin sa kabuuan ng kwarto. Walang sofa doon na pwedeng higaan niya, kinalkal ang mga closet na naroon kung may mga pansapin. Pero wala rin. Napabuga siya ng hangin out of frustration, minasdan ang natutulog na si Yuel sa ibabaw ng kama. "Kung kayang siya na lang patulugin ko sa sahig? Ako sa kama?" Kausap niya sa sarili. Kaso paano niya bubuhatin ang malaking katawan nito? Kung siya naman ang matutulog sa sahig, ang lamig. Walang extra pansapin. May kumot na isa pero nadaganan iyon ni Yuel, ayaw niyang magising ito at malaman na nasa isang kwarto lang sila. Lasing pa naman ito, baka.. Baka.. Baka rape-in siya. Nanlaki ang mga mata

