"I'm coming with you." Nagulat pa ang Kuya Tharabis niya nang makita siyang nakapang opisina. Usually kasi hindi siya nagkukusang sumama kung hindi siya isasama. "Wow. That's new," komento nito. Nginitian niya ang kapatid. "Susunod na ako, meron lang akong pupuntahan." Hindi na niya hinintay pang makasagot ang kuya niya. Bumaba na siya at pinuntahan si Losang sa quarter ng mga 'to. Sakto palabas na ito, hawak hawak si Pogo. Nangunot ang noo niya. "Bakit hindi ang aso na bigay ko ang hawak mo?" Nagulat pa si Losang nang makita siya. "Ah si Pinky? " Pinky pala ang ipinangalan nito sa bigay niyang aso. "Oo." "Natutulog, kaya si Pogo naman muna ilalabas ko," nakangiti nitong sabi. Sumimangot siya. Natawa si Losang. "Huwag mong sabihin na nagseselos ka na hindi ang aso mo ang bitbi

