Mag-a-alas dies na ng gabi nang makauwi si Yuel sa kanilang mansion. Pagkababa niya sa kanyang kotse ay nagulat pa siya nang makita si Losang sa likuran niya. Teka? Saan nangaling ang Alien na 'to? Napangiti siya nang makita ang naniningkit nitong mga mata. "What?" Natatawa niyang tanong sa babae. Inamoy-amoy siya ni Losang. "Relax. Hindi ako uminom, tinutupad ko ang deal," sabi niya sa babae. Tumigil ito sa ginagawa at pinagmasdan siya. "Sure ka?" "Oo naman," aniya na natutuwa sa reaction nito. Tila asawa ito kung umasta, pero nakakapagtakang hindi siya naiinis, para ngang na-a-amuse pa siya. Humalukipkip si Losang at ngumisi. "Mabuti naman." "Bakit gising ka pa?" Usisa niya sa babae. Hindi siya nito sinagot, bagkus ay naglakad palayo sa kanya. Hinabol niya ito. "Hey, I'm talking

