Nang makabalik sila ni Yclyde sa mansion, nasa Gazebo si Yuel. Tila hinihintay sila, pagkagarahe sa kotse nakita at makababa siya kasabay si Yclyde nakita niyang papalapit si Yuel sa kanila. Kunot ang noo at hindi maipinta ang mukha. "Isasauli ko 'yang si Losang," ani Yclyde kay Yuel. Napangisi lang siya. Hindi pa rin maka-move on ito sa ginawa niya kanina lamang. "Why?"- Yuel Tinapunan siya ng tingin ni Yclyde. Lalo niya pa itong nginisian. "Never mind." Tsaka na ito umalis. Natatawa talaga siya sa hitsura nito. Sobrang nakakatawa. Ang gwapo gwapo pero torpe. "Why did you leave me?" Ungot ni Yuel sa kanya. Napanguso siya. "Hindi naman kita iniwan. Sinama ako ni Sir Yclyde, " sabi niya na natatawa. "Nilalagnat ako. " -Yuel Naka puppy eyes pa ito sa kanya. Tila bata kung umasta.

