Daisy His Remedy 63

1101 Words

Natahimik ako at napatitig sa kanya. “Lahat ng nagamit niya, ayaw mo? Ibig sabihin ba ayaw mo rin ako?” malungkot kong tanong na ikinailing niya ng paulit-ulit. “Ang sabi ko mga bagay…” pabulong niyang sabi at kumawala sa akin. “Hindi ko sinabing ikaw…” Napangiti naman ako at hinawakan ang kanyang kamay. “So, gusto mo na ako?” “Ewan ko sa’yo,” sabi niya at iiwan sana ako, pero hinapit ko naman ang kanyang baywang at niyakap siya ng mahigpit. “Onse, nakakarami ka na, hah,” sabi niya, at sinubukang kalasin ang aking mga kamay. “Bitiwan mo na nga ako, namimihasa ka na talaga," dagdag pa nito. “‘E, sa gusto ko ngang laging kang yakap,” lambing kong sabi habang binabaon ang aking mukha sa kanyang leeg. “Mahal kita, asawa ko, kaya sisiguraduhin ko na lagi kang busog sa aking pagmamahal.”

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD