Wala sa sariling pinulot ko ang mga larawan, tulalang pumasok sa kotse, at nanghihinang sinara ang pinto. Dumagdag pa sa panghihina ko ang nang-aasar na tawa ni Althea. Gusto ko siyang singalan, gustong kong tumahimik siya, pero para kasing nawalan ako ng lakas na harapin siya. Sa manibela ko binuhos ang galit ko, ang sakit na nararamdaman ko, mahigpit ko iyong hinawakan sa puntong bumakat na lahat ng ugat ko sa kamay, at halos lumuwa na ang mga buto sa kamay ko. Gusto ko na rin sanang makalayo na. Ayaw ko nang makita ang mapangkutyang mukha ni Althea, but I couldn’t bring myself to start the engine. Instead, I stared at the pictures again. Sa larawan, parang ang lambing nila. Yakap ng lalaki si Daisy sa likuran. Para na namang mapugto ang hininga ko. Ipinikit ko na lang ang mga mata

