ONSE Ang ganda na naman ng araw ko. Ang gaan-gaan ng pakiramdam ko. Lahat nakikiayon sa sayang nararamdaman ko. Pagpasok ko palang sa firm ay mga ngiti ng mga kasamahan ko ang bumungad sa akin. Simula nang maipanalo ko ang high-profile r*pe case against the governor’s son, dumagsa pa ang maraming kleyente sa firm, may mga pumasok na bagong investors at dumami rin ang mga benefactor sa mga charity institution na sinusuportahan ng aming firm. Pero ang nagpapasaya lalo ng araw ko ay balitang pinakahihintay ko—Althea’s disbarment had finally been approved. ‘Yong satisfaction na nararamdaman ko, hindi ko ma-explain. Pumipintig-pintig ang puso ko na para bang umindak sa tuwa. Hindi na muling makakaapak si Althea s courtroom bilang isang lawyer. Noon, ako ang tumulong sa kanya, ma reduce la

