Nanginig ang labi ni Althea. Habol na rin nito ang kanyang hininga, at maluha-luha ang mga mata. Kaya lang hindi sakit ang nakikita ko sa mga mata niya, hindi rin lungkot. Kundi galit. Klase ng galit na may halong pagbabanta. Hindi na dapat ako magtataka. Hindi nga niya matanggap na hiwalay na sila, lalo na ang malamang kasal na ito sa iba, at sa akin pa. Hindi sadyang napangiti ako na lalong nagpanginig sa kanyang labi. “Now tell me, rebound pa rin na ako?" Panlilisik ng mga mata ang sagot niya, at kahit hindi siya nagsasalita, bumabakat pa rin ang ugat sa leeg niya, patunay na pinipigil nito ang hininga sa sobrang gigil. Wala akong paki’ kahit lumuwa pa ang eyeballs niya, o pumutok ang mga ugat sa leeg niya. “Hindi totoo…hindi kayo kasal! Sinasabi mo lang ‘yan para galitin ako.

