Chapter 6

1603 Words
"KAPITBAHAY namin ang mama mo noon sa dati naming tirahan. She was living alone. Sobrang in love daw ang mama mo sa isang lalaki. Hanggang sa may nangyari sa kanila. Nabuntis ang mama mo at hindi 'yon alam ng lalaki. Hindi na sila nagkita kahit pa hinanap ito ng mama mo. Nabalitaan na lang niya na nagpunta pala ito sa ibang bansa. Wala siyang nagawa dahil hindi rin niya ito makontak. Hanggang sa isilang niya ang sanggol. Nakauwi na rin pala ang lalaking 'yon isang buwan bago siya manganak. They met again pero hindi matanggap ng lalaki ang maging ama ng bata dahil may sarili na itong pamilya at isang pagkakamali lamang ang nangyari sa kanilang dalawa. Alam ng mama mo na hindi talaga siya mahal ng lalaki at alam din niya na may pamilya na ito. Akala niya, kapag isinilang ka na ay tatanggapin kayo ng lalaki lalo na ang pagmamahal ng mama mo pero lumayo lamang ito sa inyo. Hindi kinaya ng mama mo ang pang-iiwan ng lalaking mahal niya kung kaya't parang nawala siya sa sarili. "Hanggang isang araw, fiesta sa kabilang bayan at maagang umuwi ang mga magulang ko dala ako. Nasusunog na pala ang bahay n'yo. Magkatabi lang kasi ang bahay natin. Nasa loob kayo at dinig na dinig nila ang iyak ng sanggol. Hinayaan yata kayo ng mama mo na masunog kayong dalawa. Nasusunog na ang mama mo pero hindi pa napunta sa 'yo ang apoy kaya agad kang iniligtas ni Papa Jose. Hindi na naligtas ang 'yong ina dahil ang laki na ng apoy. Nagtulungan pa nga ang mga tao na patayin 'yong apoy, eh. Pahirapan naman doon dahil parang bukid ang lugar na 'yon kaya hindi na nag-abalang magtawag ng bumbero. "Hayun, kinupkop ka nila Mama at Papa. Lilipat na rin naman kami ng bahay noon kaya isinama ka nila sa paglipat dito sa lugar natin ngayon. Two years lang ang gap ng edad natin. Pinalabas na lang nila na magpinsan tayo, Delaney," mahabang paliwanag ni Joross sa kaniya. "Nasa'n na 'yong ama ko ngayon? Kilala ba nila Tita at Tito? Kilala mo ba?" tanong niya rito. Umiling ito. "Si Mama at Papa pati 'yong ilang mga kapitbahay lang natin sa dating tirahan ang nakakakilala sa kaniya." Huminto ito at nagpatuloy rin. "Hahanapin mo ba siya?" tanong nito. "Hindi," maagap niyang sagot. "Hindi nga niya ako tinanggap noon, eh. Saka baka itakwil lang din ako. Okay naman na ako sa buhay ko ngayon. It's better this way." Kinakabahang ngumiti ang lalaki. "Hindi ka ba... galit sa 'kin?" "Kailan mo pa nalaman ang lahat, Kuya?" tanong niya rito na tila hindi pinansin ang tanong nito sa kaniya. Pinahid naman ng mga kamay nito ang kaniyang mga luha saka bumuntong-hininga dahil pakiramdam nito ay galit nga siya. "Second year high school ako noong nalaman ko ang lahat, Delaney," pagtatapat nito. "Ang tagal na pala," aniya. Hindi naman nito malaman kung sarkastiko ba ang pagkakasabi niya niyon. Magsasalita pa sana ito ngunit naunahan naman niya ito. Tumayo siya. "I need to rest na muna, Kuya. Napagod ako sa paglilinis natin kanina sa apartment mo." Binigyan niya ito ng tipid na ngiti. Dahil wala naman itong magawa, napatayo na lang ito. "Naiintindihan kita, Delaney. Magpahinga ka na muna. Ang dami mong nalaman ngayon." Napayuko ito. "Ako 'yong pinagkatiwalaan mo ng sobra pero hindi ko agad sinabi. Sana... mapatawad mo 'ko," buong pusong saad nito. Hindi siya sumagot. Hindi rin niya alam ang sasabihin dito. Hindi naman siya nito hinintay na makaimik at niyakap siya nito nang mahigpit. Pagkatapos bumaklas nito sa pagkakayakap sa kaniya ay tipid itong ngumiti saka nagtungo na sa pintuan. Sumunod naman siya. Nang makalabas na ito at akmang isasara na niya ang pinto ay lumingon ito sa kaniya. "At sana... huwag mo akong layuan," sabi nito nang pakiramdam nito ay susundin niya ang sinabi ng ina nito kanina na lumayo siya. Dama ni Delaney ang garalgal na boses nito. Kahit mahina lang ang pagkakasabi nito ng mga salitang iyon ay sapat na upang marinig niya ang mga salitang binitawan nito. Samahan pa ng mga mata nitong tila nagsusumamo sa kaniya na huwag itong iwan. Hindi na siya nito hinintay pang magsalita at tuluyan na itong lumisan. Nang ipinid na niya ang pinto ay parang wala sa sarili siyang tumungo sa kaniyang silid at sumalampak sa kama. Bumuhos ang kaniyang mga luha. Maraming bagay ang bumalatay sa isip niya at nabibigatan ang kaniyang dibdib sa lahat ng nalaman. Bukod doon ay may isa pang nagpapagulo sa kaniyang isipan at iyon ay si Joross. Tinatanong niya ang sarili kung bakit parang may ibang pahiwatig ang mga salita at mga kilos nito sa kaniya. Na tila labis siya nitong pinahahalagahan. Idagdag pa ang ginawa nito kanina roon sa apartment nito. Bakit nga ba siya biglang hinalikan nito? Para saan 'yon? May gusto ba ito sa kaniya? Dahil alam nitong hindi sila tunay na magpinsan, posible kaya na may nararamdaman ito sa kaniya? Iyan ang mga katanungang bumabagabag sa isip niya. Ayaw naman niyang mag-assume na ganoon nga. Saka lang siya maniniwala kapag sa mismong bibig ng lalaki niya maririnig ang totoo. "ANO ba naman 'yan? I can't go with you again, Kuya. May event sa school, eh. Sana pala hindi na lang ako sumali sa sayawan," reklamo ng kapatid niyang si Madel. "It only means that it's not yet your time to fly," sabi ni Aljur dahil sumimangot na naman ang kapatid niya nang malaman nitong sasakay na naman siya ng eroplano at hindi ulit makasasama si Madel. "Nakakainis ka talaga, Kuya! Tina-timing mo talaga ang paglipad if I have important things to do!" pagmamaktol nito. "Madel," tawag ng ama nila, "lets go! You're getting late." "Pasalubong, ha." Tumakbo na ito palabas ng mansyon matapos sabihin iyon. Lumabas na rin si Aljur at pumasok na sa trabaho. Kailangan niyang tapusin ngayon hanggang bukas ang mga gawain niya sa opisina dahil lilipad siya papuntang Puerto Princesa sa susunod na araw upang asikasuhin ang lupa nila roon na ibibenta niya at kumustahin na rin ang ilang kamag-anak nila roon. "SIGURADO ka na ba talaga sa desisyon mo, Delz? 'Yong trabaho mo, hindi ba hired ka na at sa Monday na 'yong start ng work mo? Ang layo naman ng Puerto Princesa, Delz! Totohanin mo talaga 'yong sinabi ng Tita Divina mo? Paano na ako? Iiwan mo na ako rito? Paano na rin si Fafa J?" pambobombang tanong ni Danica sa kaniya. Alam na nito ang lahat dahil kinuwento na niya rito. Pati iyong paghalik ni Joross sa kaniya ay ibinunyag niya rin. Kaya kahit seryosong usapan ay nagawa pa siyang tuksuhin ng kaibigan na may gusto si Joross sa kaniya. "Hindi naman sa iiwan kita, o kayo. Ikaw, ha. Huwag mo nga kaming tuksuhin ni Kuya. Pinsan at parang kapatid na rin ang turing ko sa kaniya. At saka, meant to be yata talaga ang pangyayaring 'to, Danz," usal niya sabay buntong-hininga. "Ha? Hindi kita ma-gets," anito na nakataas ang isang kilay. "Kasi Danz," panimula niya saka nagpatuloy, "binasa ko ulit 'yong e-mail kanina from the Recruitment Division ng TMZ. Nagulat ako may nakalagay pala sa ibaba kung saang branch 'yong assignment ko. Hindi ko tinapos basahin noon dahil sa excitement, eh," paliwanag niya. Bumilog naman ang mga mata ni Danica. "What?!" bulalas nito sabay saklot ng cellphone niya at may pinindot doon saka hinanap ang e-mail na tinutukoy niya. "Hala, Delz!" sambit nito at hinampas siya braso. "Ouch naman!" daing niya sabay himas doon sa kung saan siya nito hinampas. "Totoo nga! Why didn't you tell me agad? Ang layo naman natin sa isa't isa!" naiiyak nitong sabi. "Kanina ko lang din tinignan ulit, eh. Saka naalala ko noong in-interview ako. I answered na kahit saan ako i-assign, okay lang sa 'kin as long as magkaka-work ako. I didn't expect na ang layo pala ng lugar na babagsakan ko," tugon niya sabay yuko at sinikap na hindi maiyak. Tumabi sa kaniya si Danica sa kama. "So paano na 'to ngayon? Mawawalay na tayo sa isa't isa. Makakaya mo ba ang walang kasama? Wala ka pa man ding kakilala roon." Napakibit siya ng balikat sabay angat ng ulo upang tingnan ang kaibigan. "No choice ako, eh. Makakapag-communicate pa rin naman tayo sa isa't isa, eh. And okay na rin 'to. Para masunod ko ang pakiusap ni Tita Divina na lumayo sa kanila." Nalungkot ang kaibigan. Pagkuwan ay niyakap siya nito kaya yumakap na rin siya. "I will miss you, Danz." Umiyak na siyang talaga. Tumulo na rin ulit ang mga luha ni Danica. "I will miss you, too, Delz." Pagkatapos ng yakap ay sabay silang napapahid ng sariling mga luha. "So when is your flight? Did Fafa J know about this?" "The day after tomorrow," sagot niya. "Nakapagpa-book na ako ng flight ticket. And hindi ito alam ni Kuya." "Ihahatid ka namin ni Fafa J. Sasabihin ko sa kaniya," matulin nitong wika. Umiling naman siya. "Huwag mong sabihin sa kaniya, Delz," aniya. "Base sa last naming pag-uusap, hindi niya yata kaya 'yong paglayo ko. Nakiusap siya, eh." Isang tipid at mapait na ngiti ang sumilay sa kaniyang mga labi nang maalala niya si Joross na nakiusap sa kaniya. Kung siya ang papipiliin ay ayaw rin niya ang lumayo sa lugar na ito dahil nandito ang mga mahal niya sa buhay. Kung hindi nga lang siya na-assign sa malayong lugar ay mananatili pa rin siya rito kahit na sinabi ng Tita Divina niya na lumayo siya. Pipilitin lang niya ang sarili na hindi magpakita sa mga ito. Ngunit iba ang nangyari. Sa isip niya, mabuti na rin ito para walang gulo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD