"f**k! s**t!" sambit ni Aljur matapos maalala ang cellphone niyang pinatong niya sa mesa ng sala ng apartment ni Delaney. Hinalungkat pa niya ang mga gamit niya at kanina pa nababalisa kung nasaan ito pero naroon pala sa minamahal niyang dalaga. Napaupo siya sa paanan ng kama, hinihiling na sana hindi nakita ni Delaney ang wallpaper ng screen ng cellphone niya. Kapag nakita iyon ng dalaga ay paniguradong hindi na niya alam ang gagawin. Hindi niya alam kung ano ang isasagot kung sakaling tatanungin siya nito kung bakit ang mukha nito ang ginawa niyang wallpaper. Dali-dali na siyang lumabas ng mansiyon. Naghihintay naman doon sa tabi ng kotse niya ang kaniyang kapatid at tila may sasabihin ito sa kaniya. "Kuya, ihahatid mo ba 'ko?" salubong nito sa kaniya nang makalabas siya. "Let's go,"

