"KAILAN kaya magigising ang Aljur Davis na 'to? Ilang oras na siyang tulog, ah. Gano'n ba talaga siya kapagod sa trabaho? Kawawa naman ang kumag na 'to..." Kausap ni Delaney ang sarili habang nakatanaw sa natutulog na binatang parang bata sa sofa sa sala ng apartment niya. Ala una na ng hapon ngayon. At heto't mahimbing pa rin ang tulog ni Aljur. Kita ni Delaney ang maamo nitong mukha at dinig pa niya ang paghilik nito. Bumalik muna siya sa kusina. Sa wakas ay natapos na rin ang b-in-ake niyang vanilla flavored cake. Sinamyo niya ang bango nito. Hindi na siya nagluto pa para pananghalian dahil medyo busog pa naman siya dahil sa kinain nila kanina. Ilang sandali lang ay hindi niya napansin ang unti-unting pagkagising ni Aljur. Gumalaw ito sa sofa at dahan-dahang napainat. Pagkuwan ay big

