BAGO pa man makasagot si Joross ay sumingit si Delaney sa dalawa. "Nakapag-dinner ka na ba?" tanong niya kay Aljur. "Not yet. Puwede bang kumain ulit?" sagot nito sa kaniya. Diniinan pa nito ang huling salita na wari'y nagpaparinig habang hindi inaalis ang tingin nito kay Joross. Si Joross naman ay lihim na nagtaka sa sinabi ni Aljur. Naisip nitong nakapunta na ba si Aljur sa apartment ni Delaney dahil sa sinabi nitong kakain ulit. "Upo ka muna," utos niya rito na agad namang sumunod. Sa tapat ni Joross ito umupo. Kumuha siya ng plato, kutsara't tinidor pati baso para kay Aljur. Pagkaupo ni Delaney na parang pinapagitnaan ng dalawa, agad nagsalita si Joross. "Joross ang pangalan ko," sabi nito. "Ano'ng relasyon mo kay Delaney?" magkasabay na tanong nina Aljur at Joross sa isa't isa a

