"HELLO, Danz—" "Oh, my God! Bruha ka talaga, Delz. Ba't hindi ka namin matawagan at hindi ka rin tumawag sa amin dito?" bungad na pagtatampo ni Danica sa kabilang linya nang tawagan niya ito. "Sorry, Danz," hinging-patawad niya sa kaibigan. "Mula noong bago ako lumipad papunta rito, hindi ko in-on 'yong phone ko, eh." "Nakakainis ka. Nagtatampo ako sa 'yo. Nag-aalala ako sa 'yo. Akala ko, eh, napano ka na dahil hindi ka namin ma-contact. FO na tayo," himutok nito. "Sorry na. 'Di na mauulit," suyo niya. "Hay," buntong-hininga nito. "Ano pa ba ang magagawa ko? Best friend kita kaya... pak! Friends ulit! Charing!" masiglang sambit nito kaya natawa na lang siya. "So, kumusta ka na riyan? Okay ka lang? 'Yong mahiwagang perlas natin d'yan, okay pa ba o wasak na?" Humalakhak pa ito matapos s

