3rd Person's POV* "Lady Luna!" Nakita ni Dylan na nawalan na ng malay si Luna at kahit anong laban niya sa sampung lalaki na rebelde ay mabilis siyang sinisipa ng mga iyon. Sinipa siya sa tiyan nito na kinawalan niya ng hangin at napakamao siya nang makita na binuhat si Luna ng mga lalaki. "H-Hindi, bitawan niyo si Lady Luna!" Pinilit niyang tumayo at sumugod pero agad siyang napatumba at sinuntok suntok. Kahit anong sigaw niya ay imposibleng marinig iyon ng mga tao sa labas dahil malalakas ang musika na nandoon. "Damn! I said keep your hands off to my Lady!" Sumugod ulit siya at agad ding sumugod ang mga lalaki sa kanya at agad niya iyong iniwasan hanggang sa makarating siya sa pwesto ng Lady niya. Pero hahawakan sana niya ng bigla may tumusok sa tiyan niya at nasa harapan na n

