Luna POV* Nag iimpake ako sa mga gamit namin ni Euna dahil aalis na kami dito sa resort at pupunta daw kami sa mansion namin dito sa Pinas pero ang totoong bahay daw namin ay nasa Italya at di ko alam excited ako na ewan, pero agad akong pinigilan ni Juno na kinakunot ng noo ko. "Nah, di mo na kailangan dalhin ang gamit mo dahil may mga damit ka naman doon sa mansion natin." Tumango na lang ako at kukuha sana ng damit na isusuot nang pigilan din niya ako. "Wear this." Binigay niya sa akin ang tatlong shopping bag at lumapit siya kay Euna at binuhat niya iyon. "Princess, you can also wear this." Pinakita din niya ang dalawang shopping bag at may heart heart naman sa mga mata ni Euna. "Really, Dad!" "Yep." "Okey!" Hinalikan ni Euna ang pisngi ni Juno bago nito binaba ni Juno si

