Luna POV* Nandito pa din kami sa Dagat at ang sabi ni Juno ay di muna niya sinabi sa boung mundo na buhay ako baka bigla na namang susugod ang panibagong kalaban. Natatakot siya na malagay na naman ako sa panganib. "Eat a lot, Wife and Baby Euna." "Opo, Dad! Ang sarap po ng pagkain natin! Dad, ano po ito?" Tinuro ni Euna ang nasa harapan niya. "Beef steak ang tawag diyan, Baby." Napakagat ako sa labi ko dahil ang parating kinakain namin ni Euna ay puro mga isda lang sa dagat at minsan lang kami makakain ng karne. Bigla na lang tumulo ang luha ko dahil masaya ang Baby ko sa kinakain niya ngayon. "Wife?" "Mom!" Nakita ko na nag aalala sila sa akin. "Bakit ka umiiyak, Wife?" Tumayo si Juno at sinilip niya ang mukha ko at agad naman akong napaiwas at pinunasan ang luha ko. "M-Mom..

