Nakangiti si Jen nang sinalubong ako. Maaliwalas siya sa suot niyang beige mini skirt at white sando habang ang mahaba’t maitim nitong buhok ay nakalugay. Litaw na litaw din ang kulay pulang strap ng kaniyang bra at hindi ko alam kung aware ba siya rito o hindi. She’s so sexy, aminin ko man o hindi. Nanibago ako sa paraan ng pananamit niya dahil hindi naman ganito ang datingan ng kaniyang outfit kapag may pasok. Maraming pagkakataon na sobra niyang disente sa sinusuot pero ngayong narito ako sa tinitirhan niya, ngayon ko natanto na may ganito rin pala siyang side. O baka dahil komportable siya’t dito lang naman kami sa kanila. Baka kumportable na rin siya sa akin? Hindi ko alam. Iba lang kasi ang dating sa akin. Nang papasukin na niya ako sa apartment niya, napansin kong napaka

