Hindi man lang sumagi sa isip ko kahapon na marami pala akong gawain ngayong huwebes. Maliban sa pending exams na ilang beses nang na-extend nitong nakaraan, palapit na rin nang palapit ang deadline para sa group work na hindi pa rin natatapos. Hindi sana problema ito kung walang basketball training ngayon, lalong lalo na kung hindi naman ako ang water boy ng varsity players.
“Pa, hindi ako makakapunta mamaya, m-marami po palang tatapusin,” malumanay kong paalam nang matagpuan ko siya rito sa sala, prente siyang nakaupo sa couch at nagbabasa ng dyaryo, partikular na sa sports section nito.
He raised his brows the moment he heard me. Kahit hindi pa naalis sa pahayagan ang kaniyang mga mata, batid kong sa akin na nakatuon ang kaniyang pansin. Umayos na lang ako ng tayo at mahigpit na kumapit sa isang strap ng bag na nakasukbit sa akin.
“Alas tres pa ang training.”
Umiling ako. “May tatapusin din po ako mamayang uwian. Kailangan po ng tulong ko sa grupo kaya—”
“Nagpapaalam ka ba o umiiwas?”
Natutop ang labi ko. Heto na naman siya’t nagagalit. Kapag si Kuya ang nagpaalam ay pinapayagan naman agad niya, pero bakit ako ay hindi?
I am doing this for my school works. Hindi naman sana ako gaya ng iba na maglalakwatsa at gagawa ng kung ano-anong kabulastugan. Nagpapakatino naman ako at hindi pumalyang sumuway sa mga utos niya. Sadyang kailangan ko lang magpaalam ngayon dahil iresponsable ang ilan sa mga miyembro ng grupong kinabibilangan ko.
Hindi ako ang lider pero bilang former STEM student, ako lang ang inaasahan lalo’t hindi naman kagalingan sa Math ang mga kasama ko. At sa grupo namin, iilan lang iyong gumagawa ng paraan upang makatulong. Iyon namang iba ay halos lagi na lang nagpapalusot. Nakalulungkot isipin na hindi maiiwasan ang ganoong klaseng kagrupo pero paano naman ako na pilit nagpupursige? This is college. Isang maling bagsak lang ay maaaring magbago ang lahat.
Lihim akong suminghap nang hindi niya naririnig. All I could hear now is a crippling silence and a weak sound of transpo echoing from afar. Hindi pa rin siya makatingin sa akin ngayon. Animo’y isa akong malaking dumi sa kaniyang balintataw.
“Sige, huwag na huwag ka lang magpagabi,” aniya. Ikinaluwag iyon ng loob ko at tipid na ngumiti.
“Salamat po.” Tumalikod na ako at tumungo sa garahe para imaneho iyong kotse na dati niyang binigay sa akin. Tahimik ko itong minando hanggang sa marating ko na ang pamantasan.
Minsan lang ganoon si Daddy. At mula yata noong nalaman niya kay Kuya ang tungkol sa akin, ngayon lang uli siya pumayag sa pabor ko. He was a great father back when I was hiding everything. Pero kung nanatili iyong nakatago hanggang ngayon, I don’t think I’ll be happy. Walang masaya sa pagiging isang closeted. Masakit na nga iyong reyalidad, mas masakit naman kung ano ang pilit kong itinatago sa katotohanan.
Nothing will ever compare the pain I’ve been suffering since I was a child. No one will ever wear my shoes and experience all the afflictions I’ve been striving to survive.
Pagdating sa classroom, every one is busy doing their assignments. Kanya-kanya sila ng kopya sa gawa ng iba at iyong iba naman ay natutulog pa. Pasado alas otso pa lang naman ng umaga at mamayang nine pa naman ang klase. Sadyang maaga lang ang karamihan para sa group activity na bukas na ang pasahan.
“Yuri, pakopya,” ani Lexus. Halos kauupo ko pa lang sa pwesto kong nasa dulo at katabi ng bintana.
Aspiring basketball player si Lexus at gaya ng iba na ilang beses nang nagta-try out pero hindi pa natatanggap. Ilang beses na rin niya yata akong kinulit para kwentuhan tungkol sa tips at sa tipo ng Papa kong coach. At dahil wala naman akong interes at kaalam-alam tungkol sa ganoong klaseng bagay, wala rin naman akong nasasagot na matino.
“Puro ka kasi basketball. Mag-aral ka naman,” naiinis kong sabi habang hinahanap ang notes kung saan nakasulat iyong mga sagot ko. Nang makita iyon ay saka ko ito inabot sa kaniya.
“Thanks!”
Bumalik siya sa upuan niya at nagsulat nang paspasan. Ako naman ay napadukot ng earphones sa bulsa at matamang nakinig ng music. Saka ako lumingon sa bintana at nangalumbaba. Tinitigan ko ang nagtataasang gusali sa labas, gayundin ng mga estudyanteng tila mga langgam na lang sa aking mga mata.
The song I hear right now is entitled Wildest Dreams. Hindi ko alam pero kamakailan lang ay nahumaling ako sa kantang ito. Hindi lang dahil sa galing ng singer nito at sa ganda ng beat, kun’di dahil sa ilang mga linya nito na nagpapaalala sa’kin kay Kahlil.
‘He’s so tall and handsome as hell, he’s so bad but he does it so well…’
I craned my neck as I remembered him. Pinikit ko ang aking mga mata at inisip kung ano ang nangyari lalo na kagabi. I could still recall that very moment when he asked me to wipe his dripping sweat. I could feel his throbbing muscles, panting breath, husky voice, and rhythmic whispers. S-hit.
Malakas at tila wala ng papantay. Sa paraan pa lang kung paano niya hawiin ang buhok niya ay muntik pa akong mahimatay. Sobrang gwapo niya. Sa dinami-dami ng lalaking nakitaan ko ng kagwapuhan sa mundong ito, sa kaniya lang ako nagkaganito.
Can I hide this forever? Kakayanin ko kayang itago ito hanggang sa mahuli ako? I admit that I’m not good in keeping secrets but I’m hoping this would work well. Sakali mang malaman niya na ganito kalalim ang nararamdaman ko sa kaniya, malaki ang posibilidad na maraming maaaring magbago. Kaya kaysa hintayin kong mangyari iyon, mas kailangan kong mag-ingat.
Mabilis kong iminulat ang mga mata ko nang maramdaman kong may tumapik sa aking balikat. Pagkatanggal ko ng isang earphone ay saka ako lumingon sa gilid. Naningkit ang mga mata ko nang mapansing nakaupo na si Lexus sa aking tabi.
“Tapos na ako,” sabi niya sabay lapag ng notes sa aking arm rest. Kunot-noo akong yumuko upang tingnan ang gamit kong isinauli niya nang lukot. Pero sa halip na sitahin siya dahil dito, mas pinili ko na lang manahimik. “By the way, may balita ka kung kailan ulit ang try-out?”
Nagkibit-balikat ako. Napagpasyahan ko na ring ilagay sa loob ng bag ang earphones, kasama na rin ng phone kong nakalimutan i-charge kanina. Kaunting gamit na lang ay nasisiguro kong mauubusan na ng baterya.
Umiling ako bilang sagot sa kaniyang tanong.
“Wala akong ideya tungkol diyan. Bakit hindi mo tanungin si Papa?”
“Nahihiya ako.”
“Paano ka niyan matatanggap kung wala kang lakas ng loob?”
Narinig ko ang buntong-hininga niya. “Please Yuri. Tulungan mo naman ako. Gustong gusto ko makapasa pero ang hirap.”
“Ilang beses ko na bang sasabihin sa’yo na wala akong alam sa larong ‘yan? Wala akong maitutulong, Lex.”
“You can refer me to your Dad. Sabihin mo na magaling ako at—”
“Nakita ka na niyang maglaro kaya wala akong magagawa kung ayaw talaga niya sa’yo.”
Nag-iba bigla ang timpla ng kaniyang mukha nang marinig niya ang sinabi ko. Sa puntong ito, hindi ko malaman kung hihingi ba ako ng tawad lalo’t alam kong nasaktan ko siya. Pero totoo naman ang sinabi ko. At hindi ko kailangang gawin kung ano ang nais niyang ipagawa para lang matanggap siya ng Papa ko.
Siguro kahit na magaling pa siya, baka hindi rin ako papakinggan ni Papa. Knowing his principles, hinding hindi siya tatanggap ng reto na sa akin mismo nanggaling. He really hates me so much to the extent he’ll never even listen.
“Okay, sige, ganyan ka naman ‘di ba?” patuya niyang tugon nang may pilit na ngiti. Napailing-iling siya at bumalik na sa kaniyang upuan.
Bakit parang kasalanan ko? Kung talagang nagtatiyaga siya at nakikitaan ng potensyal, hindi dapat siya nangangapa nang ganito. Nakakainis.
Pagsapit ng alas nuwebe ay saka na nagsimula ang klase. Tahimik lang kaming nakinig para sa discussion at paminsan-minsa’y nagtataas ng kamay para sa recitation. Iwinaksi ko na lang kung ano man ang bumabagabag sa akin lalo’t nakahanda na ang midterms.
Sa mga sumunod na subject, nangyari ang aking inaasahan. Sunod-sunod na umarangkada ang exam at halos piniga ang utak ko dahil sa pagod. Nagawa ko namang mag-review kagabi pero hindi iyon sumapat para sabihing nasagutan ko nang maayos ang lahat. Pagsapit ng uwian ay nanghinayang ako sa mga items na hindi ko man lang nasagutan.
“Yuri, tara,” pag-aaya sa akin ni Jennine. Siya ‘yong leader ng group na halos magmakaawa sa mga members na hindi makakasama ngayon.
Isinukbit ko sa magkabilang balikat ang aking bag saka sumunod sa kaniya. Hindi na nakapagtataka nang malaman kong kaming dalawa lang ang makagagawa ngayon.
“Nasaan ang iba?” kunwaring basag ko sa katahimikan. Nakalayo na kami sa ingay ng school building dahil papunta na kami sa pinakamalapit na coffee shop sa labas ng campus. Hindi ko na kailangan pang gamitin ang sasakyan ko dahil kakayanin na ito ng lakad.
“As usual, tumangging sumama. Pero huwag kang mag-alala, sasabihin ko mismo sa Prof kung ano lang ba talaga ang inambag nila. They deserve what they earn.”
Tumango-tango ako. “Tama. Unfair kasi ‘yon, lalo na sa’tin.”
“By the way, nakapagpaalam ka naman sa Daddy mo?”
“Yupp, pumayag naman.”
“Mabuti kung ganoon. Sakto at may training pa naman.”
“Uh, siguro may papalit naman sa’kin. Mukhang babawian ko na lang sa susunod.”
At ang nakakatakot na parte? Baka maging dahilan pa ito para mas bigatan pa ni Papa ang trabaho ko. Sana ay huwag naman.
Habang naglalakad, nahagip ng mga mata ko ang grupo ng basketball team na ngayon ay nasa kabilang lane ng kalsada. Pagsulyap ko roon, nakita ko agad si Kahlil na abala sa pakikipag-usap sa katabi niyang teammate. How I wish na sana lumingon man lang siya rito kahit saglit para naman makita ako. Sa suot nilang muscle tee at basketball shorts, siya talaga ang nangingibabaw.
“Ang gwapo nila,” puna ni Jennine nang lumagpas na sila sa aming paningin. Ngayon ay mas tinuon ko na ang pansin sa daan habang katabi ang aking kasama. “May mga girlfriend na ba sila?”
“Hindi ako sigurado,” sagot ko.
“Si Kahlil, for sure, may girlfriend ‘yan.”
Napalunok ako.
“Wala naman siyang dinadala sa court kapag may training o laro,” depensa ko para sa crush ko.
“Sus, sa mga gaya niyang mala-adonis ang kagwapuhan, sigurado akong may girlfriend ‘yan. Siguro tinatago.”
Lihim kong kinagat ang labi ko, pilit na pinipigil ang panibagong emosyon dahil hindi naman ako nakasisiguro kung may katotohanan iyon o wala. Would I ask Kahlil about this? Mukhang lumalalim na rin naman ang samahan namin. Maybe he would open about this, someday.
Pero paano kung totoo ngang may girlfriend siya? Paano kung taken na siya? Kung hindi, paano kung may nililigawan siya? Kakayanin pa kaya ng puso ko ang sakit? Sakali mang mangyari iyon, hindi lang ako sa pamilya may malaking problema kun’di pati na rin sa pusong ito na leche kung mahumaling.
Pagkarating sa coffee shop, kaagad kaming nag-order. Sakto lang ang dami ng tao at bahagya lang ang halo ng ingay at katahimikan. Karamihan ay mga La Sallian at tulad din naming naghahabol para sa requirements. Sobrang busy ng season na ito sa campus.
Pagkaupo namin sa aming pwesto, saka inilabas ni Jennine ang kaniyang laptop. Dinukot ko naman iyong cellphone ko at tiningnan kung ilan na lang ang percentage ng battery nito.
Four percent…
“Uh, Jen, may charger ka?”
Mula sa monitor ng laptop, inilipat niya ang pansin sa akin. “Hala, charger lang ng laptop ang dala ko eh.”
“Sige, hayaan mo na.”
Kung sa bagay, hindi rin naman nagte-text o tumatawag si Papa. Kaya lang, hindi pa ako nakasisiguro kung maaga ba akong makakauwi dahil marami pang kailangang tapusin.
Research proposal iyong ginagawa namin at nagsimula na kami dahil tatlong parts pa ang hindi namin nagagawa. Matagal-tagal na rin sana itong tapos kung nagawa lang ng ibang miyembro ang parte nila. Ngunit sa ngayon, kaming dalawa lang talaga ni Jen iyong nakapagpasa.
Nagsimula kami ng alas tres ng hapon ngunit ngayong sumapit na ang alas sais ay nasa kalahati pa lang kami ng kabuuang proposal. Maliban sa bumabagal iyong internet, isyu rin namin ang kakulangan sa source dahil ilan lang sa mga website ang nagibibigay sa partikular na hinahanap namin.
Six thirty na ngayon ng gabi at nakadukdok na sa sobrang pagod si Jennine. Ako naman ang pumwesto sa harap ng laptop para ituloy kung ano ang hinahanap. Ngunit habang nagbabasa ng mga search results, bilang nag-vibrate ang phone ko sa bulsa. Huminto muna ako sa ginagawa ko upang matingnan kung sino ang tumatawag.
Napakunot-noo ako nang makitang unregistered number iyon. Sino kaya ito?
Sinagot ko ang tawag kahit one percent na lang ang buhay ng cellphone. Pagkapwesto ko nito sa kaliwa kong tenga ay bigla akong kinilabutan sa pamilyar na boses na aking narinig.
“Hello Yuri? It’s Kahlil. Nasaan ka na? Nandito na ako—”
Naputol iyon kaya mabilis kong tiningnan ang screen. Sa puntong ito ay nataranta ako dahil tuluyan ng namatay ang phone!
S-hit! Bakit wrong timing? Bakit ngayon pa ito nangyari kung kailan siya tumawag?
Pero teka, paano niya nalaman ang numero ko?