Chapter 07

2204 Words
As much as possible, ayaw kong mag-isip na ng kung ano-ano dahil lang sa tawag na iyon. I want to concentrate more. The fact na kaming dalawa lang ni Jen ang gumagawa ng paraan upang matapos ang proposal na ito, tiyak akong mas mahihirapan pa kami kung hahayaan ko ang sariling mawala sa huwisyo.   Lalo pang lumalalim ang gabi. Ngunit hindi gaya ng ibang establishments, mas dinudumog pa ang coffee shop kung saan pa kami mas nanatili. Karamihan ay mga kagaya naming naghahabol sa mga requirements o ‘di kaya’y may tatapusin.   Huminga ako nang malalim sabay lingon kay Jen na hanggang ngayo’y masarap ang tulog. Nakailang palit na yata siya ng posisyon habang nakadukdok samantalang ako ay kanina pa hanap nang hanap ng kung ano-ano sa chrome. Nauunawaan ko naman siya dahil ilang gabi na rin siyang walang tulog. Mariin ko na lamang sinisisi ang mga kagrupo kong walang ambag sa research na ito.   Iniunat ko ang aking mga braso dahil sa ngawit. Tatayo na sana ako ngunit muli na namang naagaw ng atensyon ko ang cellphone na hindi ko na ngayon magamit. Masyado ng ubos ang baterya nito. Kung bakit ba naman kasi nakalimutan kong i-charge ito kanina. Iyan tuloy, ako pa itong nangangapa ngayon kung ano bang sadya ni Kahlil at bakit ako tinawagan.   Pero bakit nga kaya? Bakit nga kaya niya ako tinawagan? Remembering his last words, I could recall what he’s trying to say. Nais niyang sabihin ang lokasyon niya at iyon ang hindi ko maintindihan kung bakit.   Wala naman kaming usapan ngayon ah?   “Ano, nahanap mo na?”   Muntik na akong mapatalon sa kinauupuan ko dahil sa biglang sabi ni Jen sa aking gilid. Paglingon ko ay nakaupo na siya nang maayos habang humihikab-hikab. Iniunat niya rin ang kaniyang mga kamay saka kinuha sa’king harapan ang laptop. She scrolled and we stared at the screen for several seconds.   Dismayado akong umiling-iling.   “Sorry. Wala talaga akong mahanap eh. Binisita ko na halos lahat ng mga web pages na lumabas pero wala pa rin.”   Hindi siya nagsalita. Tumango lang siya bilang tugon upang mas makapag-focus sa ginagawa sa laptop.   At dahil wala naman akong ganap, nagkusa na akong tumungo sa counter upang mag-order ng makakain. Mabuti na lang dahil hindi lang kape ang ino-offer sa coffee shop na ito. Mayroon ding mga snacks o finger foods na puro fried ang paraan ng pagluto. Jen thanked me for buying some and we spent some hours to finish the last chapters.   Pasado alas otso y media ng gabi nang matapos na namin ang mga kailangang tapusin. Siya ang nag-generate ng mga ilalagay samantalang ako naman ang nag-edit sa technicalities. Iniisip ko pa lang ang mga grado ng kagrupo ko ay grabe na ang awa ko. Paano pa kaya kung mag-reflect na ito sa mismong labasan ng grades?   They deserve it, right? At unfair iyon sa amin ni Jen kung bibigyan pa namin sila ng konsiderasyon. Masyado na nila kaming inabuso. Tahimik man ako at hindi lang nagsasalita masyado sa grupo, mas masakit sa parte namin kung pagbibigyan lang namin sila.   “Paano ka uuwi?” tanong ni Jen nang lumabas na kami ng shop. Bitbit-bitbit niya ang bag ng kaniyang laptop at nakapwesto na gilid ng kalsada ang kaniyang sasakyan.   Matipid akong ngumiti. “Babalikan ko sa campus ang sasakyan ko.”   “Oh? May kotse ka pala? Bakit hindi mo sinabi? Naglakad pa tuloy tayo ng ilang metro dito.”   “Ayos lang. Medyo malapit din naman.”   “Okay sige. Mauna na ako. Text mo ako kapag nakauwi ka na ha? Update mo ako kung papagalitan ka ng Papa mo para ako na mismo ang magpaliwanag.”   I nodded as a response. Pero kahit na mangyari iyon, hindi ko na siya tatawagan para lang siya ang magpaliwanag. Papa has to consider this. Nagpaalam naman ako. Hindi naman ako nagkulang dahil lang ginabi ako.   Sakay ng grab, pinagmasdan ko munang umalis ang sasakyan ni Jen. Nang maglaho sa paningin ko ay saka pa lang ako naglakad pabalik ng campus. Hindi naman nalagay sa alanganin ang kotse ko dahil hindi naman hinahayaang madilim sa lote na pinaradahan ko. Pagkapasok ko sa loob ay saka ko na ito pinaandar pauwi sa amin.   Hindi ko maiwasang kabahan habang nasa biyahe. Pagagalitan kaya ako? Papayagan pa kaya ako magpagabi sa susunod? Minsan lang ako bigyan ng ganitong klaseng pagkakataon tapos magmumukha pang abuso? Ngunit gaya nga ng sinabi ko kanina, hindi naman ako nagkulang para magpaalam. Saka hindi naman ako nanggaling sa lakwatsa. Para naman ‘to sa grades ko, sa kinabukasan ko.   Inabot ng kinse minuto bago ko narating ang amin. Tahimik kong ipinasok ang kotse sa garahe katabi ng sasakyan ni Kuya. Pagkababa ko ay naagaw kaagad ng pansin ko ang ingay na nagmumula sa loob ng bahay. At kung hindi ako nagkakamali, mga tropa iyon ni Kuya.   Napalunok ako. Sa mga ganitong klaseng pagkakataon kasi ay makakarinig na naman ako kay Papa. Kesyo dapat gayahin ko si Kuya na puro mga barako ang kaibigan, kesyo dapat puro mga basketball players iyong mga ka-close ko. Ganito ba talaga kapag nais ng isang tao na magpakalalaki ka? Na kahit pagkakakilanlan ng mga dapat kong kaibiganin ay dinidiktahan?   Hinawi ko ang buhok ko pagilid habang naglalakad papasok ng bahay. Inayos ko rin ang tindig ko habang nakakapit sa isang strap ng aking bag. Hangga’t maaari’y pinipilit kong ayusin ang ekspresyon ko. Iyong makikitaan ng panlalamig, pa-cool, at hindi mabasa-basa ang emosyon.   Pagtapak ko sa pintuan ng sala, tama ang hinala ko. Naroon nga ang mga tropa ni Kuya, nag-iinuman at nasa huwisyo pa naman. Nang tingnan ko ang alak na kanilang iniinom ay wala pa ito sa kalahati. Senyales na halos kasisimula pa lang nila.   Huminto ako at isa-isa silang pinagmasdan. Lima silang lahat at kasama na roon si Kuya. Saka ko lang naisip na baka nasa kwarto na ngayon si Papa, nagpapahinga. Biyernes na kasi bukas at base sa pagkakaalam ko, may tune-up game ang La Salle laban sa Adamson.   Sana nga tama ang aking kutob. Ayaw ko munang makarinig ng sermon. Kailangan ko na rin magpahinga.   “Oh si Yuri.”   “Pare, sali ka.”   “Pre…”   Paulit-ulit akong lumunok. Kunwari mang wala lang pero sa kaloob-looba’y grabe ang kahilingan kong lamunin na lang ng lupa. I hate this kind of situation. Sinong silahis ang matutuwa sa ganito? Ang awkward!   Ngumiwi ako at saglit na itinaas ang kamay. Medyo masama ang tingin sa akin ni Kuya habang nagsasalin ng alak sa shot glass.   Tumikhim muna ako bago magsalita. “Kayo pala. Pass muna ako.”   Lalong sumama ang timpla ng ekspresyon ni Kuya at hindi ko iyon maunawaan kung bakit. Kung tutuusin, mas mainam nang tumanggi kaysa naman pilitin ko ang sarili ko ‘di ba? Paano kung mahahalata ng mga kasama niya na medyo lalambot-lambot ako? Eh ‘di lagot din siya kay Papa.   “Eto naman, minsan lang ‘to Yuri. Tara na.”   “Oo nga. Mas marami, mas masaya.”   Lalong humigpit ang hawak ko sa strap ng aking bag. Paano ko matatakasan ito? Maliban sa naiilang akong kasama sila, hindi rin ako sanay uminom ng alak!   Naranasan ko na noon tumikim nito pero roon ko rin natanto na hindi para sa akin ang alak. Maliban sa hindi ko nagugustuhan ang lasa, mas madali rin akong tamaan. Paano kung mangyari iyon dito? Baka kantyawan lang ako at asarin. Bwisit.   Iiling pa sana ako ngunit hindi ko na nagawa pang ituloy. Tumayo ang isa at itinulak ako sa bakanteng upuan, katapat ni Kuya. Sa puntong ito ay mas nakita ko nang malapitan ang naiinis niyang tingin sa akin. Hindi ito napapansin ng apat dahil abala na sila ngayon sa pagkukwentuhan tungkol sa kani-kanilang mga babae.   Isa-isa ko silang pinagmasdan habang nilalagok nila ang alak. May shot glass na rin sa harapan ko at nagdadalawang-isip pa kung iinumin ko ba talaga ito. Nagsimula na rin silang mangantyaw nang mapansin na hindi ko pa ginagalaw ang akin. Yumuko ako at saglit na pumikit.   S-hit. Kailangan ba talagang mangyari ‘to? Kailan ba ako makakawala sa kontrol ng mga ganitong klaseng tao?   “Inumin mo na ‘yan ‘tol!” Amoy alak na ang hininga ng aking katabi. Gaya ng iba at ni Kuya, unti-unti na rin silang nilalamon ng kalasingan.   “Pre, huwag na magdalawang-isip.”   Kaysa hayaan silang dumugin ako ng pamimilit, wala akong magagawa. Napipilitan man ay dahan-dahan kong ininom iyong alak na si Kuya mismo ang nagsalin sa shot glass.   But just as I drunk the liquor, naningkit ang mga mata ko dahil lasang tubig lang ang nainom ko. Kunot-noo akong tumitig kay Kuya at nakita siyang tumango.   What the— Anong ibig sabihin nito?   Ibinaba ko ang tingin sa bote ng gin. No doubt, kasingkulay ng alak na ito ang tubig kaya hindi rin naman mapapansin ng aming mga kasama. Pero bakit? Knowing na expert naman si Kuya sa ganito, batid kong hindi niya ito basta-basta gagawin para sa akin. Ano kaya ang dahilan niya? Tubig lang talaga ang nalasan ko sa ininom ko, wala ng ibang halo pa.   “Hanep! Dinaig pa tayo lumaklak mga pre. Hanep ka rin pala Yuri,” puna ng katabi ni Kuya nang mapansin niyang tuloy-tuloy ang aking lagok. Pagkalapag ko sa shot glass ay saka ako tumayo.   Bahala na pero kailangan ko na talaga magpahinga. Inaantok na ako.   “Sa susunod na lang. Kailangan ko na kasi magpahinga. Pasensya na.”   Pagkasabi ko nito, akma na sanang pipigil ang isa. Mabuti na lang at si Kuya na mismo ang gumawa ng paraan para lang hayaan akong umalis.   At this point, natanto ko kung gaano kahalaga ang ginawa ni Kuya. Talagang tinulungan niya ako para lang malusutan ko ang sitwasyong ito. Minsan lang siya ganito kaya lulubusin ko na. May inis o galit man siya sa akin, ang mahalaga’y gumawa rin siya ng paraan upang hindi na ako magtagal sa tagay nila.   Pagpasok ko sa kwarto, kaagad kong dinukot ang cellphone saka inilapag ang bag sa kama. Dali-dali kong pinulot ang charger saka ito isinaksak. Nagsimulang bumilis ang t***k ng puso ko habang hinihintay ang pagbukas ng screen. Sa ilang mga segundo, hinintay kong ma-refresh ang cellphone at ganoon na lang ang pamimilog ng mga mata ko nang makita ang mga mensahe sa numerong ginamit kanina ni Kahlil.   Unregistered number: Sa’n ka?   Unregistered number: I’ll wait.   Unregistered number: We have dinner, right?   Unregistered number: Did you forget?   Literal akong napaupo sa sahig nang matanto ang lahat. What the f-uck? Bakit ngayon lang nag-sink in sa akin ang lahat? Magdi-dinner nga pala kami pero hindi natuloy dahil mas pinili ko ang kapakanan ng katawan ko!   Pero totoo ba? Totoo na willing siyang ituloy iyon? Hindi ko alam dahil hindi naman niya nilinaw noong gabing iyon. Hindi niya sinabi na dapat ngayong gabi pala magaganap iyon.   Kaya pala tinawagan niya ako kanina. S-hit. Sana nagkakamali siya kung sakali mang iniisip niyang binabaan ko siya ng tawag. Kung nagawa ko lang i-charge itong cellphone ko kanina, hindi na sana mangyayari ito.   Sinubukan kong magtipa ng mensahe. May load pa naman ako.   Ako: Kahlil? Sorry. I’m very sorry. Hindi ko kasi talaga alam na ngayon pala ang dinner. Sorry talaga—   Hindi ko muna ito s-in-end. Pinakatitigan ko ang mensahe sa loob ng ilang segundo hanggang sa natanto ko na masyadong malambot ang paraan ko ng pagkaka-type. S-hit. Ang hirap naman maging conscious sa ganitong bagay.   Binura ko kung ano ang sinimulan saka nag-type ng panibago. Umayos ako ng pagkaka-indian seat sa sahig sabay buga ng malalim na hangin.   Ako: Sorry. Dead bat na ako kanina. What’s up?   Naningkit ang mga mata ko. Really? Ako ba talaga ito? Kailangan ba ganito ang paraan ko ng pagkaka-type? Ang hirap naman kung paninindigan ko ito.   Bahala na.   Nang i-send ko ang mensahe, abot-abot ang kabang namutawi sa akin. Para akong isinilid sa sako at hindi makahinga nang maayos. Habang naghihintay sa kaniyang reply ay isinandal ko ang aking likod sa dingding sabay tingala nang nakapikit.   Kahlil, bakit ba ganito? Bakit ba baliw na baliw ako sa’yo? Bakit ba kasi lalaki ako? Bakit?   Ang hirap. Kung patuloy kong itatago ang sarili ko para lang magpanggap, mas lalong mahirap. Para akong may sirang personalidad na kailangang itago at para bang kasalanan kung ipangangalandakan. Do I really have to conceal everything just so they’d accept me? May mananatili pa kaya kung magkakaroon na ako ng lakas ng loob ipakilala kung sino ba talaga ako? Kailangan kaya darating ang panahon na iyon?   Hindi lang naman ako ang ganito at batid ko kung gaano kami karami. Hindi na ito bago sa pandinig ng iba pero para sa mga angkan kong umaasa ng mas makisig na personalidad, alam ng nakararami na ang mga Fabular ay hindi kailanman magiging baluktot.   Sa muli kong pagdilat at pagyuko sa cellphone na nakakonekta sa charger, saktong nag-vibrate ito dahil sa panibagong mensahe na natanggap ko kay Kahlil. Ganoon na lang ang bilis ng t***k ko nang mabasa ito.   Unregistered number: Can I call?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD