"I love you too, Daren." sabay halik sa'kin ni Lian sa pisngi pagkatapos ay nagyakapan kami sa harap ng mga staff sa teleseryeng kasali si Lian. Narinig ko ang palakpakan at kilig ng mga tao. Ngunit nang tingnan ko sila nakita ko si Sheymie na malungkot ang mukha. Tumalikod siya at umalis. Hindi ko alam kung bakit mabigat ang pakiramdam ko ng makita ko si Sheymie. "Excuse me." sabi ko sa mga taong kausap namin ni Lian. Tumango sila bilang tugon sa'kin pagkatapos ay dumiretso ako sa comfort room nang hindi nakatingin si Lian ay tumakbo ako palabas ng dressing room niya at sinundan si Sheymie. Nagtago ako sa gilid ng haligi ng malaking bahay. Nakita ko siyang sumakay sa kotse niya. Aalis na sana ako sa pag-aakalang uuwi na ito ngunit nakita ko si Dyroth na kinakatok ang pinto ng kotse n

