[DYROTH] NAKASUKSOK ang kamay ko sa loob ng bulsa ko habang pinagmamasdan ko si Sheymie na pasuray-suray na naglalakad papunta sa kanilang silid. Pagkatapos ay bumuntong-hininga ako at naglakad palabas ng bahay ngunit napansin ko si Daren na nagtatago sa haligi ng bahay nila. Lumapit ako sa kanila at huminto sa pinagtataguan niya. Nagkatitigan kaming dalawa ni Daren nang lingunin ko siya. "Alam mo bang natutuwa ako sa'yo, Daren. Wala kang maalala sa mag-ina mo. Ibig sabihin may pag-asa na akong mapansin ni Sheymie. Sana hindi ka makaalala." Dire-diretso akong umalis ng bahay nila at sumakay ng kotse. Nakatanaw ako sa bahay nila ng ilang minuto bago ako tuluyang umalis. Ilang taon ko ng tinatago ang nararamdaman ko para kay Sheymie noong nanliligaw si James sa kanya pero ngayon wala na

