MAAGA ako nagising upang magluto ng almusal para kay Daren at Steven. Pagdating kasi ng ala-una ng umaga ay may pupuntahan akong event kung saan nainbitahan ko bilang guest nila. Kasama si Daren sa event na 'yon pero dahil walang naaalala si Daren. Hindi ko na siya tinanong kung sasabay siya sa'kin. Baka kasi si Lian ang gusto niyang makasama sa event sa halip na ako. Habang wala siyang naalaala ay pagbibigyan ko siya sa gusto niya kahit masakit sa'kin ang makita siya na kasama si Lian. Ang mahalaga sa'kin ay tanggap na niya ang anak namin. Nang matapos akong magluto ay pinuntahan ko si Steven sa kuwarto niya. Wala na roon si Daren sa kuwarto marahil ay bumalik na ito sa kuwarto namin doon kasi siya natulog sa kuwarto ng anak namin dahil na rin sa request ni Steven. "Good morning, Ba

