HINDI maalis ang tingin ko sa anak kong si Skye habang pinagmamasdan ko siya sa kuna niya. Parang kailan lang nahihirapan akong ilabas siya ngunit ngayon ay isang malusog na bata na siya. Naramdaman ko ang paghapit sa bewang ko kaya napangiti ako. Hinalikan ako sa leeg ni Daren. "Napadede mo na ba ang anak natin?" tanong niya sa'kin. Tumango ako. Hanggang ngayon kasi nagpa-breast feed pa rin ako sa anak namin kahit umiinom siya sa bote ng gatas. Mabuti na lang talaga at hindi maselan ng anak namin ni Daren. "That's good. Ako naman ang padedehin mo." biro niya sa'kin. Marahan ko siyang simampal. "Umayos ka Daren hindi pa pwede." sagot ko Tumawa si Daren. "Iinom lang naman ako ng gatas mo." Pulang-pula ang mukha ko sa sinabi niya. Lumapit ako sa anak namin at pagkatapos ay kinarga ko

